"Why are you drinking?" Hindi ko tiningnan si Kuya. Nakaupo ako dito sa bar habang umiinom ng red wine. Pampakalma lang dahil hanggang sa makauwi ako ng bahay ay naiinis pa din ako. Kapag magkrus ulit ang landas namin ng Raiden na iyon, at subukan akong lapitan at kausapin, masusuntok ko talaga siya. Isa iyon sa mga dapat pala ay ginawa ko noon. Bakit ba hindi ko iyon ginawa? Sinaktan niya ako ng husto, tapos nagbait-baitan ako. Urgh! "Kuya, tulungan niyo akong hanapin si Uno. Ilang taon na ang nakalipas, Kuya. Hangga't hindi natin siya nahahanap..." Tinuro ko ang aking dibdib. "It will be always empty here..." Kuya sighed. "May gagawin pa pala ako." Tinapik niya ang balikat ko bago tumalikod. "By the way..." aniya kaya nilingon ko siya. Mataman siyang nakatingin sa akin. Par