Hindi ako sumagot dahil may dumating na customer. Nagpaalam na din na aalis si Raiden, dahil may meeting daw siya. "Hihintayin kita sa bahay," sabi niya bago umalis. Hinalikan din niya ako sa pisngi pero hindi na ako sumagot pa. Panay naman ang sermon ni Pepper sa akin. "Hoy, babae! Huwag mong sabihing uuwi ka nga sa mansyon na iyon!" "Hindi nga. Kaya kumalma ka na." Kaso hindi siya naniniwala. Hanggang sa matapos ang shift namin, pinagsasabihan pa din niya ako. Nang sumakay ako sa kaniyang kotse, napangiti siya. "Mabuti naman at nakikinig ka sa payo ko," aniya sabay irap. Malapit lang naman ang condo niya pero dahil tinatamad kaming magluto at nag-crave ako ng fries at icecream nag-take out na muna kami. Pagdating namin sa basement, may tumabi sa amin na isang itim na sports