Nagtataka ako paggising ko. Nakakumot ako at may dalawang unan din sa magkabilang gilid ko. Wala namang ibang gagawa nito sa bahay na 'to kung hindi ang aking asawa. Mapait akong ngumiti. Alam kong ginagawa lang niya ito para sa baby namin at hindi na para sa akin na asawa niya. Mabigat ang katawan ko na bumangon. Bago ako nakalabas ng bahay para pumasok ng trabaho ay nagsuka pa ako. Hilong-hilo ako at nakaramdam na din ako ng labis na pagkagutom. Wala na akong stock na pagkain. Mamaya kapag hindi kami mag-overtime, bibili ako ng pagkain para may makain ako kapag gutumin ng alanganing oras. Alas-otso na. Pumasok na siguro ang asawa ko. Sa iisang bahay pa din kami umuuwi pero masakit lang na para na kaming mga estranghero. I sighed and think of happy thoughts. Puwede namang maging pos