Natulog ako na masama ang loob at gumising ako na masama ang pakiramdaman. Nagugutom na ako kaya bumaba na muna ako. Mamaya na ako mag-iisip ng gagawin ko ngayong araw, pagkatapos kong kumain. Naluha na lang ako nang sabihan ako ng mga maid na bawal akong kumuha ng pagkain sa fridge at sa pantry. How am I going to survive if I don't eat? Nalaman ko din na naospital si Lolo pero bawal ko din itong dalawin. Ginigipit ako ng aking byenan. Iyon ang nakikita kong dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Sinasamantala niya na hindi kami okay ni Raiden. Gusto niya akong paalisin, pero hindi ko iyon gagawin. Magkakaroon ng buong pamilya ang aking anak. Alas-nuebe na at nagugutom na ako. Bumalik ako sa kuwarto upang bilangin ang natitirang coins ko. Makakabili pa naman ako ng pagkain, pero