Bigat

1105 Words

Nalaman ko lang sa isang maid na sa study room daw natulog si Raiden. Mahimbing na din ang tulog ko nang pumasok siya sa kuwarto kinaumagahan upang maligo at magbihis. Pumasok na siya sa trabaho nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Masama ang pakiramdam ko pero lumabas ako upang makapagpaaraw sandali. Sobrang bigat ng ulo ko at ang puson ko ay sumasakit na naman. "Hija..." Pinilit kong ngumiti kay Lolo na lumapit sa akin. Inaalalayan siya ng dalawang nurse niya. Ayaw daw niya akong mapagod sa pag-aalaga sa kaniya kaya kumuha na lang siya ng isa pang nurse. "Kumain ka na ba?" "Wala po akong gana, lolo," sagot ko naman sabay haplos sa impis kong tiyan. "Hindi ka puwedeng magpagutom. Ano ba ang gusto mo para maipaluto ko?" "Hindi ko po alam..." Wala talaga akong gana. Hindi din

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD