Hindi nila ako nagawang palayasin dahil hindi pumayag si Lolo. Nag-request din siya na i-check ang cctv footage pero nataon naman na sira ang cctv, kaya hindi din matukoy kung kanino galing iyong lason.
Nagpapunta na din sila ng mga pulis at lahat ng gamit namin ay hinalughog pero wala silang nakuhang ebidensya. Kaya maging ako at nagtataka din kung sino ang salarin.
Naiwan ako sa mansyon dahil ayaw nila akong pasamahin sa burol ni Stacey.
Para hindi na magkagulo, hindi ko na lang pinilit pa. Ayaw ko din namang ma-stress lalo at buntis ako.
Ang asawa ko. Malungkot ako dahil pakiramdam ko naniniwala siya sa paratang nina Tilde at kaniyang mommy.
Paano niya naisip na magagawa ko ang bagay na iyon? At sa araw pa mismo na masaya ako dahil nalaman ko na buntis ako? Ano'ng klaseng tao ako? Dapat alam niya iyon.
Kanina pa ako iyak nang iyak. Sumasabay pa ang hilo na nararamdaman ko kaya sobrang sama ng pakiramdam ko.
Umuwi si Raiden kinaumagahan pero hindi din siya nagtagal. Naligo lang siya at nagbihis.
"Kumain na muna tayo," sabi ko sa kaniya dahil gusto ko sana ng kasalo, pero umiling siya.
Malungkot akong nakatingin sa asawa ko. He sighed.
"Kailangan ko ng pumasok."
"Take care."
Umuwi din si Mommy ng tanghali. Nasa kuwarto lang ako pero pinuntahan niya ako para pagsalitaan ng masasama. Nang hindi makatiis ay sinampal pa niya ako.
"Lumayas ka na lang! Lumayas ka na lang!"
"Hindi po ako aalis, Mommy. Pasensya na po. Magkakaanak na kami ni Raiden. At maniwala po kayo sa akin, hindi po ako ang naglason kay Stacey."
"Sinungaling ka! At sino naman sa tingin mo ang nagbigay ng lason sa kaniya, huh?!"
"Si Tilde po... Tanungin niyo siya."
"At ano naman ang motibo niya?! Matagal na sa amin si Tilde! Pamilya na ang turing niya sa amin at lalo na kay Stacey."
"Pamilya na din po kayo sa akin, dahil pamilya po kayo ng asawa ko. Hindi ko po magagawa iyon."
"Umalis ka na lang, Rosario! Umalis ka na lang dahil hangga't nasa pamamahay ka na 'to, ipapaalala mo lang sa aming lahat ang sakit ng pagkawala ng nag-iisang anak ko na babae!"
"Sorry po, Mommy..." Hindi ko magagawa iyon. Kailangan ng anak ko ang daddy niya.
"Ano ba iyan, Estacia?!" Dumating si Lolo upang ipagtanggol ako, kaya masama ang loob ng byenan ko na umalis.
Naiyak na lang ako. "Lolo, hindi ko po talaga magagawa iyon kay Stacey. Hindi ko po iyon magagawa."
"Naniniwala ako sa'yo, hija. Tahan na. Bawal kang ma-stress dahil baka kung mapaano ang apo ko."
Kaso paano naman ako hindi ma-i-stress? Pinagbibintangan nila ako sa isang krimen na hindi ko naman ginawa. At ang asawa ko, parang naniniwala siya na magagawa ko iyon.
Tatlong araw lang binurol ang mga labi ni Stacey. Nang araw ng libing niya, pinagbawalan ulit ako na dumalo kaya nagpunta na lang ako nang makaalis na ang lahat ng tao sa sementeryo.
Nilapag ko ang isang basket ng bulaklak na binili ko. Umiiyak akong naupo sa harap ng kaniyang puntod.
"Kahit hindi mo ako gusto hindi ako kailanman gagawa ng masamang bagay sa'yo. Sino ang may gawa nito sa'yo, Stacey? Gusto kong makamtan mo ang hustisya para sa pagkamatay mo para malinis ko din ang pangalan ko. Dahil sa nangyari, pakiramdam ko ang layo-layo na din ng Kuya mo sa akin."
"At ano pala ang gusto mong sabihin sa akin nitong mga nakaraang araw? I know you wanted to talked to me. Kung masagot mo lang sana ang tanong ko."
"By the way, hindi mo man lang nalaman na buntis ako. Magiging Tita ka na, perp sayang at hindi mo man lang maaalagaan ang pamangkin mo. Parang uulan na kaya uuwi na ako. Rest in peace, Stacey. Sana makamtan mo ang hustisya."
Dumaan na din muna ako sa simbahan para magdasal para kahit paano gumaan ang pakiramdam ko.
Pagdating ko ng bahay ay nadatnan ko ang pamilya sa sofa.
"Oh, umuwi ka pa? Akala ko naglayas ka na. Matutuwa na sana ako," bungad sa akin ni Mommy.
"Nagsimba po ako..."
"Bakit? Hindi na ba kaya ng konsensya mo ang ginawa mo sa anak ko?"
"Mommy, ilang ulit ko po bang sasabihin na hindi ko po iyon magagawa. Hindi ako ang may gawa."
"Hindi ako naniniwala. Planado mo ang nangyari kaya nakalusot ka pero balang araw malalaman din namin ang totoo."
"Sana nga po malaman na natin ang totoo, para malinis na po ang pangalan ko."
Sumakit ang puson ko kaya napahaplos ako dito.
"Magpapahinga na po ako," paalam ko bago umakyat sa taas.
Naligo na muna ako bago nahiga. Hindi pa din nawawala ang sakit ng puson ko kaya nakaramdam ako ng pag-aalala.
Naglagay ako ng unan sa paligid ko para maging komportable ako.
Hinihintay ko si Raiden na umakyat pero nakatulog na lang ako sa paghihintay sa kaniya.
Nang magising ako ay alas-nuebe na. Wala pa din si Raiden dito sa room kaya lumabas na ako upang hanapin siya.
Natagpuan ko siya sa bar ng bahay. Nag-iinom siyang mag-isa. I know he's hurting for his sister's death and I totally understand why he's avoiding me. Pero sana sooner ay makapag-cope up siya agad dahil kailangan namin siya ng kaniyang anak.
"Hon..."
Hindi siya gumalaw at hindi man lang niya ako nilingon.
Napatingin ako sa bote ng alak at halos makalahati na niya ito.
"Tama na iyan, honey... Matulog na tayo."
Kaso hindi pa din siya kumikibo kaya lumapit na ako. Niyakap ko siya mula sa likuran at wala man lang siyang naging reaksyon.
"Matulog ka na," sabi niya sa malamig na boses na nagpasakit sa aking dibdib.
I know he needs time, kaya hindi ko na siya kinulit pa.
"Umakyat ka na din agad, okay? Huwag mo ng dagdagan iyang isang baso."
Wala man siyang sagot pero umakyat na din ako sa kuwarto namin.
I waited for him for how many hours. Hanggang sa umabot na lang ng hatinggabi pero hindi pa din siha sumusunod. Naiiyak na ako sa sobrang sama ng loob, pero pilit ko pa din siyang inintindi, dahil nauunawaan ko ang pinagdadaanan ng asawa ko.