Death

1533 Words
"Honey..." Ang malambing na pagtawag sa akin ni Raiden ang nagpagising sa akin. Tinanghali na naman ako ng gising. Ilang araw ng ganito. Ilang araw na ding masama ang aking pakiramdam. "Are you not feeling well?" Tumango-tango ako. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya at agad naman niya akong niyakap. Nakabihis na siya. Papasok na siya sa trabaho. "Nag-breakfast ka na ba? Sorry, honey, kung lagi akong late nagigising." "It's okay, honey. Maaga pa naman. May breakfast meeting ako ngayon. Kumain ka na din mamaya, okay?" "Yes, honey. Mag-ingat ka." Pag-alis niya, muli akong nakatulog. At nagising ulit ako dahil sa matinding kirot ng aking ulo. Nahihilo din ako at para bang hinahalukay ang aking sikmura. Naglalaway din ako. Nagmamadali akong tumakbo sa banyo upang sumuka. Ano'ng nangyayari sa akin? Naligo ako kahit nanghihina ako, para gumaan ang aking pakiramdam. My body was trembling. Nagugutom ako na hindi ko maintindihan. Wala akong lakas na bumaba kaya tumawag ako sa maid's quarter upang magpadala ng pagkain dito sa taas. I requested them to bring me some soup and fruits. Nagpahinga ako saglit bago ako lumabas. I was kinda worried so I'm going to the hospital now. Ang tanong ng doktor ang nagbigay ng idea sa akin tungkol sa maaring kalagayan ko. "Kailan ang huling regla mo?" "That was last month... I think?" Madami siyang test na pinagawa sa akin. Nagpa-ultrasound na din ako para sure at iyon nga, I'm pregnant. Bumili ako ng mga vitamins na nirseta niya at hinanap ko muna sa supermarket ang mga cravings ko bago ako umuwi. Sa kuwarto naming mag-asawa ako dumiretso. May fridge naman kami doon kaya doon ko na din nilagay ang mga binili ko. Plano kong surpresahin ang asawa ko, kaya iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kaniya na buntis ako. Kaso tinawag ako ni Tilde. "Mag-prepare ka daw po ng soup para kay Stacey." Mabuti na lang at good mood ako. Ayaw kong makipagtalo na naman sa aking hipag kaya sumunod ako. Hinanda ko ang mga ingredients, kaso hindi ko nagustuhan ang amoy ng niluluto kong pagkain kaya muli na namang sumama ang pakiramdaman ko. I asked Tilde to continue it. Ilang beses ko naman na 'tong niluto habang nanonood siya kaya alam na niya kung paano timplahin. Umakyat ako sa silid naming mag-asawa upang magpahinga muna. Bumaba lang ako nang oras na ng dinner. Parating na din ang asawa ko. Hindi ko pa din alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na buntis ako. Siguro mamaya na kapag dalawa na lang kami sa kuwarto. Saka na namin sasabihin sa buong pamilya niya ang lahat. Kami na muna. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalik-halikan. "Ang guwapo mo naman ngayon..." He chuckled and kiss me. "Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" "Yes." "That's good." Nagsimula na kaming kumain. Nagustuhan ko iyong mushroom kaya iyon ang nilantakan ko. Nakakunot ang noo ni Stacey na nakatingin sa akin kaya sinulyapan ko siya pero nag-iwa siya ng tingin. What's up with her? Ninanamnam ko ang masarap na pagkain nang magulantang ako dahil sa pagsigaw ng mga kasama ko. "Stacey!" Bumulagta si Stacey sa sahig at bumubula ang bibig. "Anong nangyayari sa kanya?" tarantang tanong ni mommy. "Oh my god, Stacey! What's happening to you?" Agad na lumapit si Raiden at binuhat ang kaniyang kapatid. "Kailangan na natin siyang dalhin sa hospital." Hindi naman ako nakagalaw sa gulat. Tuod ako sa pagkakaupo hanggang sa makalabas na sila. What happened? Susunod din sana ako pero pinaiwan nila ako dahil kailangan ni lolo ng kasama. Sana maayos lang si Stacey. May sakit ba siya? Hanggang ngayon ay sobrang bilis pa din ng pagkabog ng aking dibdib. "Huwag kang mag-alala, Rosario. Magiging maayos din si Stacey," sabi ni Lolo. Hindi naman ako nakasagot. Kinikilabutan ako sa nangyari. Kumakain lang naman kami pero bigla na lang bumula ang bibig ng aking hipag. Para akong mababaliw sa paghihintay. Wala ding reply sa akin si Raiden. Kumusta na kaya siya? Ayos na ba siya? Kanina pa ako text nang text kay Raiden pero wala man lang siyang reply. Mag-aalas nuwebe na ng gabi. Nandito ako sa livingroom habang naghihintay sa pagdating nila. Biglang bumukas ang pinto ng bahay at unang pumasok ang aking mother in law. Tumayo ako upang makibalita sa kanila. "Kumusta si Stac—" Hindi pa man ako tuluyang nakalapit sa asawa ko nang sinalubong ako ng byenan ko ng isang malakas na sampal. Halos magdilim ang aking paningin at halos mabinyi ako sa lakas. Napahawak ako sa pisngi at gulat na napatingin sa aking byenan. "Mom?" "Don't you dare call me, mom, you murderer!" buong lakas na sigaw nito sa akin. Namumula ang kaniyang mukha sa galit. At ano ang sinabi niya? Murderer? Hindi ako agad nakasagot at nakakilos. Tinawag ba niya akong murderer? Mamamatay tao? "Mom, please, stop. Hindi pa nga natin napapatunayan ang lahat... At bakit ba ang asawa ko kaagad ang pinagbibintangan niyo?" Napayakap ako kay Raiden. "Hon, ano ba'ng sinasabi ng mommy mo?" tanong ko habang nalilitong nakatingin sa aking asawa. Naguguluhan ako. Wala na akong maintindihan. "Hindi mo alam?" "Imposible namang hindi mo alam..." Nanunuyang sambit ng aking byenan. Umiling ako dahil wala naman talaga akong idea. "Stacey is dead because of you!" sigaw ng byenan ko habang ang daliri ay nakaturo sa akin. "Kaya imposibleng hindi mo alam!" Ano? Patay na si Stacey? Bakit? At bakit ako pinagbibintangan ng aking byenan? "Sinabi ng Doctor na nalason siya. Na may lason ang kinain niya! Doon pa lang ay alam kong ikaw na ang may kagagawan, kaya namatay ang anak ko!" Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman ni Mommy, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako ang sinisisi niya. Umiling ako. Naiiyak sa nangyari. "Wala akong kasalanan, mom. Hindi ko magagawa na lasunin si Stacey." Tumingin ako kay Raiden at hinawakan ang braso nito. "Hon, maniwala ka. Hindi ko magagawang lasunin si Stacey." "Sinungaling!" "Ikaw lang naman ang nagluto ng pagkain natin. At ikaw lang ang may dahilan para patayin ang anak ko! Hindi ba at nag-away kayo? Ikaw lang naman ang sampid sa pamamahay na ito kaya ikaw lang ang suspect!" "Opo, hindi po kami magkasundo ni Stacey, pero hindi ko magagawa ang pinagbibintang niyo. Hindi ko kayang gumawa ng masama sa kapwa tao ko. Lalo na kung sa pamilya ng asawa ko." "Kung totoong may lason po ang niluto ko ay bakit si Stacey lang ang nalason? Bakit ayos lang kayong lahat?" "Mawalang galang na po," singit ni Tilde. "Si Ma'am Rosario po talaga ang naglason kay Ma'am Stacey." Napanganga ako sa gulat dahil sa sinabi ng maid. "Nakita ko po kanina na nilagyan niya ng kung ano ang pagkain ni Ma'am Stacey. Hindi ko lang sinabi kanina." Biglang umiyak ang katulong. "Hindi ko naman po inaakala na lason pala ang nilagay ni Ma'am Rosalia. Hindi ko naman po inaasahan na aabot sa ganito ang galit niya kay Ma'am Stacey." "A-Ano ba'ng pinagsasabi mo diyan, Tilde? Wala akong nilagay sa pagkain ni Stacey." Umiyak ang katulong at umiling-iling. "Sabihin niyo na lang po ang totoo, ma'am. Hindi po ba kayo nakokonsensya sa ginawa niyo kay Ma'am Stacey?" "Tilde, alam mo ba ang pinagsasabi mo?" "Umakyat ako kanina at ini—" Kaso hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil muli na naman akong sinampal ng aking byenan. "Mamamatay tao ka!" Sinabunutan niya ako at sinampal-sampal. Umiiyak ako habang humihingi ng tulong sa aking asawa, pero parang bingi ito at nakatingin lang habang ang mga mata ay puno ng luha. "Anong nangyayari dito?!" "Anong kaguluhan ito?" "Bakit mo sinasaktan si Rosario, Estacia?" Tumigil lang ang aking byenan nang makita niya si Lolo. "Baka hindi niyo na magawang ipagtanggol ang sampid na 'yan, papa, kapag nalaman mo ang ginawa niya." "Siya lang naman ang dahilan, kung bakit wala na ang apo niyong si Stacey ngayon. Nilagyan niya ng lason ang pagkain ng apo niyo! Patay na si Stacey, Papa!" Nagulat ang matanda sa narinig at napatingin sa akin pero umiling-iling ako habang umiiyak. "Totoo ba 'yon, Rosario?" "Hindi po totoo 'yon, lolo. Hindi ko magagawa 'yon kay Stacey." Tumango si Lolo. "Naniniwala ako sa'yo, Apo." "What?! Seriously, Papa? Naniniwala kayo sa babaeng 'yan?" Napatiim bagang na lang ito nang titigan lang siya ng ama. "No, papa! Hindi ako makakapayag na mas kakampihan mo ang mamamatay'ng tao na 'yan kaysa sa totoo mong apo!" Tumingin si Estacia sa kaniyang asawa. "Tumawag ka ng pulis, Gaudecio! Ipapakulong natin ang babaeng 'yan at sisiguraduhin kong hindi siya makakalabas." "Mom, please! Maniwala kayo sa akin. Hindi ko magagawang saktan si Stacey." "Hon, hindi ka naman naniniwala sa kanila, 'di ba? Asawa mo ako at kilala mo ako. Hindi ko magagawa ang ibinibintang nila sa akin. Ako abg nagluto, pero iniwan ko iyon kay Tilde kasi sumama any pakiramdaman ko. Parang sinuntok ang puso ko dahil sa kawalan ng reaksyon ng aking asawa. Dahil doon ay mas lalo pang lumakas ang loob ng aking byenan. "Habang nakakapag-isip pa ako ng maayos, umalis ka na lang. Lumayas ka sa pamamahay na 'to! Hindi ka namin kailangan dito!" sigaw ni mommy. "No. Hindi niyo po ako puwedeng palayasin. Asawa po ako ng anak niya at saka..." "Buntis po ako..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD