"Ba't ka galit?" Binibiro ko si Raiden. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya ngayong umaga. Nakatulog kasi ako kagabi, kaya walang ganap. Puwede naman niya akong gisingin sana, kung talagang gusto niya pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon nakasimangot. "Hindi, ah," tanggi naman niya. Pinilit pa nga niyang ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Nauna ng mag-breakfast ang mga kasama namin sa bahay. Late kaming nagising na dalawa kaya kami na lang dalawa ang nagsalo ng breakfast. "Ano ang gusto mong ulam mamaya, hija?" tanong ng aking byenan. "Kahit ano po, ayos lang," sagot ko naman. Hindi naman ako mapili sa ulam na ihahain sa akin. "Mga paborito mong ulam ang ipapaluto ko." Napangiti ako. Totoo ba 'to? Mukhang bumabawi ang byenan ko sa akin, ah. Magpapamisa talaga ako kapag n