Todo asikaso ang lolo at lola ng mga bata sa kanila. Napapailing na lang ako dahil halos hindi na makakain ang dalawa. Nagpapasubo kasi sina Dos at Tres sa mga ito. "Mga anak, alam niyo namang kumain mag-isa, e..." sabi ko sa mga ito. "It's okay, hija. Sabik sila sa lolo at lola kaya ganito," sabi naman ng aking mother in law. Mukhang wiling-wili naman ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Kumain na lang ako habang pinapanood ang mga inlaws ko at mga bata. "Sinusulit nila ang lolo at lola nila kasi ilang taon din nilang hindi nakasama." Napangiti na lang ako. Tingin ko ay bumait na ng kaunti ang byenan ko. Mabuti naman kung nagbago na sila. Mahirap kapag kinalakihan ng mga bata ang magulong pamilya lalo na at hindi magkasundo ang ina nila at kanilang lola. Pagkatapos kumain ng