Kabanata 82 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA NANGGAGALAITI si Elena na umalis sa kanyang opisina nang harapin namin siya ni daddy. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nakikita at ang kanyang mga kaalyadong myembro ng administrasyon ng aming kompanya ay kapwa rin umalis. Niyakap ko si daddy nang sa wakas ay lisanin ni Elena ang aming opisina at ngayon ay labis labis ang tuwang nararamdaman ko sa aking mga nagawa, sa tulong ni daddy at ng kanyang mga plano. "Thank you hija. You've been so brave." Hinimas niya ang aking likuran at walang humpay na tinatapik pa iyon habang nakayakap ako sa kanya. "Daddy, I can't possibly make it without your help and