Kabanata 83 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA AS FAST AS WE COULD, nagtungo agad kami sa ospital. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Walang nakapagsabi sa akin kung ano ang tunay na naganap sa daddy ko. No one is talking and seemingly silent about everything. Ngunit hindi na iyon ang mahalaga, kailangan ko lang na makita ang daddy ko. Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha mula sa aking mga mata. Si Apollo ang nagda-drive ng sasakyan at nasa tabi niya ako. Si Vance ay nasa likuran at ang tanging ginagawa niya lang ngayon ay ang pakalmahin ang damdamin ko. Pagdating na pagdating namin sa ospital ay patakbo kong tinungo ang lobby at nagtanong sa n