Kabanata 78 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA "MANANG, sigurado po ba kayo? Hindi ninyo nakita ang nagdala nito dito?" Hindi ko talaga tinatantanan ang matandang babae na siyang nakasalubong ko kanina sa hagdan nang pababa ako upang hanapin ang nag-iwan ng mga tsokolate at bulaklak sa tapat ng kwarto ko. Hindi ako makapaniwala na maaalala niya ako sa ganitong paraan. Ibig sabihin ay nandito lang siya at hindi niya ako pinababayaan. "Hindi po talaga señora," ito ang simpleng sagot ng matandang babae. "Okay sige manang. Pwede na po kayong bumalik sa trabaho ninyo." Bumaba na rin ako upang ipagpatuloy ang aking pagmemeryenda. Saglit na nawala ang gutom