Kabanata 79 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA HINDI PA RIN ako bumibitaw sa kanya habang ako ay nakayakap. Miss na miss ko na ang kanyang amoy, ang kanyang katawan na eksakto lamang sa aking pagkakayakap at ang kanyang init sa katawan na palaginh nagbibigay sa akin ng comfort. Niyakap niya rin ako pabalik at dahil doon ay mas lalo ko siyang naramdaman. Nasa ganitong posisyon lamang kami dahil dinadama lang namin ang isa't isa. Walang ni isa sa amin ang nais bumitaw at wala ring gustong magsalita muna. Kapwa namin hinayaan ang sandali na magsawa sa pagyayakapan. Hanggang sa siya na mismo ang nagtanggal ng kanyang pagkakayakap sa akin at saka niya ako