Napahagulgol si Nicholas dahilan upang mapailing na lamang si Richmond, hindi niya alam kung ano na naman ang pumasok sa kukute nito at naisip na naman ang bagay na 'yon. "Pare, mabuti pa siguro ay magpahinga ka na muna, alam kong hindi pa rin kayo okay ng asawa mo kaya dito ka na magpahinga," saad pa ng kaibigan bago siya nito iniwan. Nang mapag-isa si Nicholas ay hindi niya maiwasang muling mapaiyak, bakit kasi napaka-unfair ang mundo, bakit kailangan silang paghiwalayin. Kahit anong pilit na ipahinga ang isipan pero hindi niya magawa, lahat na ay bumagsak, iiwan na siya ng asawa, masisira na ang pamilya, pati mga kabuhayang akala niya ay naipundar, mawawala na rin sa kanya. Parang mabibitak ang ulo niya nang maalala si Jessa. "Hayop kang babae ka, hindi mo maiisahan ang isang Nicho