Napahinto si Angel nang makita ang natawag sa kanya sa cell phone, bigla siyang kinabahan sa hatid na balita ng natawag kaya napatingin na lamang siya sa kaibigan. "Sino?" maang na tanong ni Marie sa kanya. "Si Anne," aniya. "O, bakit hindi mo sagutin, akala ko naman, nag-call back ang bakulaw na Nicholas na 'yon, o 'di kaya ay tumawag si Alessandra at pinapapunta ka roon kasi ikaw na lang daw ang kulang, charot!" bulalas ni Marie. "Sige na, sagutin mo na at baka importante ang sasabihin nila," saad ng kaibigang si Marie kaya agad na sinagot ang tawag ng kapatid. "H-Hello?" mahinahong turan. "Hello, ate!" tarantang tinig ng kapatid dahilan upang mas lalong kabahan. "Anne, bakit? May nangyari bang hindi maganda?" gilalas na tanong sa kapatid. "Ate, nandito si tita sabi ay nagwawala d