Naghintay na muna si Dexter ng ilang minuto bago lumabas sa banyo, sumilip pa siya upang masigurong wala na roon sina Angel at ang kaibigan nito. Nang makitang naroroon pa ang dalawa ay nahirapan siyang lumabas sa kinaroroonan, tinawagan ang pinsang si Jessa kung nasa parking lot na ito ngunit hindi ito nasagot. Muli siyang sumilip at nakitang may kausap ang dalawang babae na tila staff ng massage salon dahil kapareho ng suot ng babae ang suot ng mga manggagawa roon. Maya-maya ay nakitang inakay ng babae ang dalawa dahilan upang kahit papaano ay makahinga siya nang maluwag. Ngunit laking gulat niya nang bigla ay napalingon sa gawi niya si Angel na tila sinisipat pa kung lalabas na siya sa CR. Mabilis namang nakapagtago. Bumilang pa siya ng ilang segundo bago muling sumilip at doon ay tu