Gulong-gulo pa rin si Marie dahil halos kaladkarin siya ng kaibigang si Angel pabalik sa massage salon ng kaibigan kung ayaw naman nitong magpamasahe kanina. "Teka nga lang, girl, ano bang nangyayari at biglang may Trevor at mama nito. Bakit ganoon magsalita ang mama ni Trevor? Alam na ba niya ang hinggil sa anak mo?" palatak na tanong ni Angel. "Iyon na nga, eh, nasabi ni Nicholas at speaking of Nicholas, muntik na niya akong kidnappin kung hindi lang dumating sina Trevor ay natangay na sana niya ako," turan sa kaibigan. "What? Bakit hindi ka sumigaw o humingi ng tulong. So, naging knight in shining armour mo pa ngayon ang Trevor na 'yon," bulalas pa ni Marie. "I did but—" putol na turan nang bigla siyang bangga mula sa lalaking nagmamadaling pumasok rin sa salon. "Ops, sorry, miss,