Chapter 45: Co-Parenting

2117 Words

Papunta sana si Trevor sa meeting niya sa isang prospective client nang makatanggap ng tawag mula sa asawa. "Hello, babe, ano nakakuha ka ba ng medical certificate?" agad na tanong kay Samantha. "Kailangan ka ng mag-ina mo?" anito. Nagulat pa siya dahil wala siyang binanggit hindi sa nalamang anak niya ang anak ni Angel. "Huwag kang mag-alala, alam kong anak mo ang anak ni Angel, she needs you," ani Samantha. Sa tinig nito ay walang bakas ng selos o galit. "Wait, nagkausap ba kayo ni Angel?" usisa rito. "Oo, nakasalubong ko siya kanina, she's very disturbed, nagkakuwentuhan at nasabi niyang may chronic kidney failure ang anak ninyo," imporma ni Samantha. "What?!" bulalas niya. "Yes, babe, kaya if I were you, puntahan mo na sila," anang ni Samantha. "Salamat, babe," pasalamat niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD