Chapter 46: Secret Affair Revealed

2031 Words

Nanlalaki ang mga mata ni Jessa nang makilala ang babaeng bumangga sa kanya at nagbuhos ng shake sa kanya. Hindi siya nakapagsalita at tila umurong ang kanyang dila. "Ano? Aangal ka pa ba?" taas-kilay na wika ni Aless. "Dapat lang sa tulad mong makati ang binubuhusan ng juice para putaktihin ka ng langgam," mataray na wika ni Aless. "Naku, madam, dapat ang ibinuhos mo sa babaeng 'yan, kumukulong bulalo para naman lumambot ang makapal niyang mukha," turan nang baklang assistant ni Aless. "Next time, magbaon ka ng bulalo para may ipambubuhos ako sa higad na ito," pagpapatol ni Aless sa biro ng assistant. "Sayang nga, madam, hindi ko nai-take out iyong tira nating bulalo, sa bagay hindi na 'yon mainit," bulalas pa ng kasamang bakla. Napatingin si Aless kay Jessa na tila tupang nakayuko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD