Unti-unting umayos ang lahat, isang linggo na rin ang nakakaraan mula nang maoperahan ang anak at mailibing si Samantha. Hirap pa rin siyang mag-adjust ngayong wala na si Samantha sa buhay niya. "Daddy," tinig ng anak na si Tamara. Ngumiti siya at senenyasan itong lumapit sa kanya, as usual ay naiyak naman ang anak dahil nami-miss nito ang ina. "Daddy, is it true?" maya-maya ay turan ng anak. "True? What is it?" maang niyang sagot sa anak, may kabang bumundol sa kanyang dibdib. 'Nasabi kaya ni Samantha?' tanong na umuukilkil sa isipan. "Ano 'yon, anak?" usisa ko nang wala itong balak magsalita. "Na hindi mo raw po ako anak," umiiyak nang tinig ng anak. "Sinong nagsabi niyan?" gagad kong tanong. "Si mommy po? She said, hindi raw ikaw ang real dad ko," hagulgol ni Tamara sa kanya. "S