Hindi mapakali si Angel habang nasa labas ng operating room kasama si Aless, maging ito ay nag-aalala sa asawa. Ang mga magulang ay naroroon din upang suportahan siya sa laban ng kanyang anak, panay ang dasal ng mga ito habang nakaupo sa upuan sa labas ng operating room. "Diyos ko, inilalagay ko na po sa inyong kamay ang kaligtasan ng aking anak," usal niya. Dalawang oras na ang lumipas ngunit ni isa mula sa operating room ay wala pa ring lumalabas. Mas lalo tuloy kinabahan pero humahawak siya sa pangako ni Andrew na hindi nito hahayaan ang kanyang anak. Sila kasi ni Dr. Santos ang mismong nasa loob kaya kahit papaano ay napapanatag siya. Lumipas pa muli ang isang oras, maging ang mga magulang ay nagsisimula nang kabahan. "Wala pa bang nalabas mula kanina, anak?" untag ng ina. Isang m