Nagulat talaga si Angel nang bigla siyang tawagin ni Marie, masyado kasing intense ang naging usapan nila ni Andrew lalo pa at hindi sinasadyang mabanggit ang hinggil sa kapatid nito. "Angel," tinig ni Marie na muntik nang nagpalundag sa kanya. "Hey, are you, okay?" maang na tanong ni Andrew sa kanya, marahil ay naramdaman nito ang kanyang pagkabigla. "Y-Yes, ayos lanh ako," mabilis na tugon sa lalaki. Mabilis na lumapit si Marie sa kanila at pansin niya ang nagdududang tingin nito. "Are you sure you're okay?" matamang tanong nito. "Yes, medyo nagulat lang ako nang tawagin mo ako," tugon sa kaibigan. "Ganoon ba?" anang ni Marie pero hindi nawawala ang pagdududa sa tingin nito. "Sorry kung nabigla ka, may itatanong lang sana ako," wika ni Marie. "Itatanong?" aniya, kumindat ito na t