Papunta na sana si Andrew sa silid ng anak ni Angel upang bisitahin ito nang makita si Angel na paalis kasama ang isang babae. Hindi niya nakita ang mukha ng babae pero tila kinabahan siya, hindi niya alam pero sinundan niya ang mga ito. Nawala pa nga siya dahil hindi niya nakita kung saan lumiko ang mga ito. Nang makitang wala sa kantina ay agad siyang bumalik at nagtungo sa chapel ng hospital. Agad namang namataan ang dalawang babae sa may swing na pwede silang umupo dalawa na magkaharap. Nakatagilid ang dalawang babae sa direksyong kinaroroonan niya ngunit kilala na niya ang babaeng kausap ni Angel, si Natalie. "Natalie?" maang na wika nang tuluyan ngang makilala ang babaeng kasama ni Angel. 'Ano'ng ginawa niya rito?' tanong pa sa isipan. Akmang lalapitan ang mga ito nang makitang ka