Hindi agad umalis si Natalie sa ospital matapos iwan sina Angel at Andrew, nang makitang may lalaking dumating at tila nagkakainitan sila ni Andrew ay nanatili lang siyang nakamasid. Kitang-kita ni Natalie ang kakaibang tinging ipinupukol ni Andrew sa babaeng kasama. "No, Andrew, hindi ko kakayanin na mapunta ka sa iba," usal niya sa kawalan habang nagngingitngit na nakatingin sa tatlong taong nag-uusap-usap, bakas sa mga mukha nito ang tensyon sa pagitan nila. Nang umalis ang bagong dating na lalaki ay hindi niya maiwasang mapasinghap nang makitang napag-isa sina Angel at Andrew. Tila may pinag-usapan ang mga ito bago tuluyang umalis si Angel sa tabi ni Andrew. "Hindi ako susuko hangga't hindi ka napapasa 'kin," pangako sa sarili saka tuluyang umalis. Paalis na siya nang makita niya