Walang nakahuma sa kanilang tatlo sa biglaang pagpasok ni Dexter sa opisina ni Angel. Maging siya ay nagulat sa nadatnang eksena, akma kasing luluhod ang babaeng panauhin ni Angel. "D-Dexter, a-ano'ng ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ni Angel sa lalaki. "Ops, sorry," hingi naman agad ng paumanhin ng lalaki sa kanya. "I want to surprise you pero may bisita ka pala," ani Dexter kay Angel na akmang aalis pero agad na pinigil ni Angel. "No, it's okay," aniya sa lalaki saka tumingin kay Samantha na noon ay nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Dexter. "Mrs. Lorenzana?" untag na tawag kay Samantha, naiilang kasi siyang tawagin ito sa kanyang pangalan. "Ah, yes," mabilis namang tugon ni Samantha na hindi na itinuloy ang pagluhod sana sa harap ni Samantha. Nabigla siya sa pagdating ng