Unti-unting tumigil ang kumusyon sa paligid, ngunit ang kaba sa dibdib ni Jessa ay hindi pa rin nahupa. "Ate, ayos ka lang po ba?" tinig ng binatilyong nagtitinda ng saging sa bangkita. Lulugo-lugong tumayo si Jessa at halos hindi makalakad. "O, sh*t, napilayan pa yata ako," angal ni Jessa na nagkaroon pa ng ilang galos. "Ate, ayos ka lang ba?" muling tanong ng binatilyo sa kanya habang pinapagpag ang kanyang nadumihang damit. "Ew!" tili pa ni Jessa nang may makapang malambot na kumapit sa kanyang kasuutan. Inamoy 'yon at mas lalong napatili. "Hija, ayos ka lang ba?" tanong ng katabing ale. "Mukhang gusto kang tudasin ng mga nasa sasakyan kanina, ah," bulalas pa nito. Nang maalala ang mga eksena kanina ay napaisip si Jessa. Mas lalong nagngitngit ang kalooban nang maalala ang iniwan