Pagbungad pa lamang ni Trevor sa labas ng ICU ay kita niyang aligaga ang mama niyang nagbabantay kay Samantha. "Anak, saan ka ba galing?" tanong ng ina na tila nanghihina sa nangyayari aa asawa. "Dinaanan ko lang ang anak ko, mama," tugon ko rito. Nang marinig ang apo nito ay mabilis na kinamusta ang kalagayan ng anak at doon ay nanlumo siya nang maalala ang mga nangyari kanina. "Malala na ang kondisyon niya, mama, galit pa si Angel sa 'kin," saad sa ina. "Bakit siya galit sa 'yo? Teka, hindi ba't match si Nicholas sa anak mo? Did you speak to him kung magdo-donate siya ng kidney sa apo niya?" tanong ng ina. Napabuntong-hininga siya, dahil sa mga narinig buhat kay Angel ay nagawa niyang makipag-usap kay Nicholas. Sasagutin pa lang sana ina hinggil sa tanong nito nang lumabas ang dok