Hindi na napigilan pa ni Trevor na mapahagulgol sa bigat nang pinagdadaanan sa balikat ng kanyang amang kinasusuklaman. Siguro nga, may himala ang langit dahil nagawa nitong nagbago sa kabila ng kasamaan nito. "Patawarin mo ako, anak, alam kong ang sama ng tingin mo sa 'kin sa lahat ng pinaggagawa ko, nagawa ko lang naman 'yon upang mawala sa sistema ko ang mama mo. Alam kong hindi kami pwede dahil kahit hindi kami magkadugo ay magkapatid kami sa papel," patuloy na kuwento ni Nicholas. "Pero maniwala ka sa hindi ay walang nangyari sa amin ni Angel, totoong pinipilit ko siya dahil gusto kitang mas lalong pasakitan nang malaman kong may nakaraan kayo pero never siyang pumayag na maging intimate kami, marahil ay mahal ka pa niya, anak," dagdag pa nito dahilan upang napakalas siya sa pagkaka