Habang pinagmamasdan ni Angel ang anak ay hindi niya maiwasang maluha, mag-isa lang siya roon dahil umuwi na ang kapatid at ang pinsan. Napakabata pa nito para danasin ang ganoong kabigat na operasyon pero kung 'yon lang ang paraan upang madugtungan ang buhay nito ay wala siyang magagawa. Ilang sandali ang lumipas nang makarinig siya ng katok kaya mabilis na pinahid ang luha sabay ayos sa kanyang buhok at suot. Batid na si Trevor na ang dumating, paglingon niya sa pinto ay sumungaw ang mukha ng ginang, ang mama ni Trevor. "T-Tita?" gulat niyang usal. "Pwede ba kaming pumasok, hija?" untag na tanong nito sa kanya. "Ha? O-Oo naman po, p-pasok kayo," nauutal at natatarantang wika. Naisip na marahil ay nasabi na ni Trevor ang hinggil sa anak kaya napasugod ang mga ito. "Pasensiya ka na, h