Nagulat si Trevor nang harangan siya ng lalaking kausap lamang ni Samantha kanina. Buong akala ay umalis na ito, 'yon pala ay napansin siya nito kaya ito mabilis na nagtago rin sa pader na pinagkukublian. "Narinig mo ba kami?" untag na tanong nito. May guts pa itong magtanong ng ganoon sa kanya. "Ano'ng kailangan mo sa asawa ko at ano ang kailangan mong malaman?" tanong sa lalaki dahilan upangapangisi ito. Tumitig sa kanya ng nakakaloko saka ito bigla umalis. Medyo nainsulto siya sa ginawa ng lalaki kaya mabilis niya itong hinabol. "Sino ka ba talaga? Bakit sinusuyo-suyo mo si Angel tapos maiinis ka kapag hindi ka niya pinapansin? Ngayon, ang asawa ko naman ang ginugulo mo!" habol na turan sa lalaki dahilan upang matigilan ito sa kanyang sinabi. "Ano'ng sinabi mo?" maang na usal nito.