Chapter 73: Telling Him the Truth

1835 Words

Pagdating ni Trevor sa silid ng asawang si Samantha ay ramdam niya ang tensyon sa buong silid. "Mama, papa, salamat sa pagdadala kay Samantha rito," turan sa mga magulang na noon ay tahimik na tahimik. Ibinaling ang pansin sa asawang nasa hospital bed at tulad ng mga magulang ay tahimik din ito. "Babe, ayos ka lang ba?" untag na tanong sa asawa. Marahang tumango ito saka muling tumingin sa mga magulang na kapuna-puna ang kanilang pananahimik. "Babe, may nangyayari bang hindi ko alam?" usisa ni Trevor sa asawa nang bigla na lamang itong umiyak. "Babe, may masakit ba sa 'yo?" tarantang tanong pa sa asawa dahil sa nakitang reaksyon nito. Patuloy na humagulgol si Samantha dahilan upang yakapin ito. "Anak, maiiwan muna namin kayo upang makapag-usap, mukhang kailangan ninyong magkasarili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD