Napuno ng tensyon ang sasakyang kinalululanan nila, mula sa mga ibinunyag nitong lihim, sa mga nangyari rito at sa natanggap na tawag mula sa ina. "Hija, may nangyari bang hindi maganda sa apo namin?" tanong ng mama ni Trevor. Hindi siya nakasagot dahil tila natuturete na ang utak sa dami ng mga nangyari. "Angel?" tawag na ng ginang sa pangalan niya. "Hija, ayos ka lang ba?" dagdag nito at doon lang siya tila nagising. "Tita, kailangan kong bumalik sa ospital," bulalas niya rito nang makabawi. "We're going there, hija, ipanatag mo lang ang loob mo? Ano bang sabi ng mama mo?" patuloy na usisa ng ginang sa kanya. "Inatake raw si Tiffany ng sakit niya, tita," saad sa mama ni Trevor na pilit niyang nagiging kalmado. "What? Is she okay?" puno ng pag-aalalang tanong ng ginang. "Iyon na n