Hawak-hawak ni Dexter ang brasong nakabinda, hindi kasi agad siya pinayagan ng doktor na lumabas kahapon dahil medyo maraming dugo ang nawala sa kanya. Hindi na rin siya nagpumilit pa dahil nakakaramdam siya ng bahagyang pagkahilo. Papalabas na siya sa ospital matapos i-settle ang bills niya nang may maulinigan siyang tinig. Noong una ay wala siyang pakialam kaya nagpatuloy siya sa paglakad nang marinig niya ang pangalan ng mga ito. Nang marinig ang tinig ay hindi siya maaaring magkamali, pag-aari ni Angel ang tinig na naririnig. Sinundan niya ang tinig kung nasaan ang mga ito at doon ay nakita si Angel at si Mr. Lorenzana. Agad siyang nagtago bago siya makita ng mga ito, ayon sa reaksyon ng mga ito ay mukhang intense ang kanilang pinag-uusapan. Lumapit siya konti sa mga ito hanggang sa