CHAPTER 16

2299 Words
Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako para magluto ng almusal para sa asawa na si Lucas. Noon, ganitong oras ay ang bunganga ni Nanay ang naririnig ko, pero hindi pa rin ako bumabangon hangga’t hindi ako pinapalo ng hanger. Ngayon, isang tunog pa lang ng alarm ay bumangon na ako dahil baka magalit sa akin si Lucas kung tanghali na ako magigising. Kailangan ko ring magwalis sa malawak na bakuran dahil nakabakasyon ang mga katulong niya. “Hays! Inaantok pa ako.” Kinusot-kusot ko ang mata ko habang naglalakad patungo sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Pagkatapos, dumiretso ako sa kusina para magluto ng almusal. Natuto na rin akong gumamit ng coffee maker dahil iyon ang gusto ni Lucas. Hindi siya naglalagay ng asukal. “Hmm... ano kaya ang lulutuin ko?” Tumingin ako sa loob ng refrigerator. “Ito na lang!” Kinuha ko ang mga kailangan ko para gumawa ng vegetable sandwich. Hindi mahilig si Lucas kumain ng mga frozen food, at konti lang din siya kumakain ng kanin. Nagsimula na akong gawin ang vegetable sandwich ni Lucas at nagprito naman ako ng itlog at hotdog para sa akin. Pagkalipas ng kalahating oras, natapos na akong magluto ng almusal. Lumabas naman ako para magwalis sa bakuran. “Hello, good morning!” Huminto ako nang marinig kong may tumatawag. Nakita ko ang isang magandang babae na nakasuot ng pang-jogging. Makinis ang balat niya at mestisa. Lumapit ako sa harap ng malaking gate. “Bakit?” Ngumiti siya. “Nandiyan ba ang amo mo?” Kumunot ang noo ko. “Amo?” “Bago ka lang ba na katulong dito? Tinatanong ko si Lucas, ang amo mo.” Napagkamalan pa akong katulong. “Bakit mo hinahanap si Lucas?” tanong ko. Pailalim niya akong tiningnan. “Lucas lang ang tawag mo sa amo mo?” Aba! Bruha na ito. “Hindi niya ako katulong.” “Miss, wala akong panahon makipagbiruan sa 'yo. Tawagin mo ang amo, may kailangan akong sabihin sa kanya.” “Okay, sino ka ba?” “Si Loisa, maganda niyang kapitbahay.” “Baka maarte,” bulong ko. “Anong sinabi mo?” “Ang sabi ko, tulog pa si Lucas.” “Gisingin mo siya.” “Ayoko!” Tinitigan niya ako nang masama. “Bakit ayaw mo akong sunduin? Katulong ka lang naman niya?” “She's not my maid!” Ang lapad ng ngiti ko nang makita ko si Lucas na palapit at may dala pang isang tasa ng kape. Ngumiti si Loisa. “Lucas, mabuti naman at lumabas ka. Ayaw akong sundin ng maid mo,” wika ni Loisa. “Maganda ka lang, pero bingi ka,” bulong ko. Tumingin sa akin si Lucas. “Halley, pumasok ka na sa loob.” “Hindi pa ako tapos magwalis.” “Lalamig ang niluto mo kung hindi mo kakainin.” Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Gusto ko pa sanang marinig ang sasabihin niya, pero pinaalis niya ako. “Maputi at makinis lang siya kaysa sa akin, pero mas maganda ako sa kanya,” sabi ko habang kumakain. Ilang minuto lang, lumapit na si Lucas sa akin. “Nagsumbong sa akin si Loisa,” wika ni Lucas. “Anong sinabi niya sa 'yo?” tanong ko. “Hindi mo raw siya sinunod.” “Hindi ko naman siya amo, bakit ko siya susundin?” “Bakit hindi mo sinabi sa kanya na asawa mo ako?” Sumimangot ako. “Napagkamalan niya akong katulong.” “Yeah, and she apologized. She didn’t know you were my wife.” “Okay lang, hindi naman ako mukhang asawa mo.” “I told her that you’re my wife.” Tumingin ako sa kanya. “Sinabi mo na asawa mo ako?” Tumango siya. “Yes, so she wouldn’t mistake you for a maid again.” Lihim akong natuwa sa sinabi ni Lucas. Akala ko ay hindi niya sasabihin kay Loisa dahil maganda ang babae. “Bilisan mong kumain dahil aalis tayo ngayon.” “Ikaw na lang. Marami akong gagawin sa bahay.” “Sino ba ang masusunod sa atin?” “Ikaw.” “Kaya sundin mo ang gusto ko.” “Sige, Love.” “Good. By the way, the vegetable sandwich you made is delicious. I could eat it every day.” “Thank you.” Balak ko pa sanang kumain ng marami, pero dahil pinapanood ako ni Lucas habang kumakain, huminto na ako. Hinugasan ko muna ang mga pinagkainan namin bago ako naligo at nagbihis. Pagkalipas ng kalahating oras, lumabas na ako. “Ready na ako,” sabi ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Bakit ganyan ang suot mo?” Tinangnan ko ang suot kong damit. “Anong masama sa damit ko?” “Wala ka bang ibang damit? Bakit nakasuot ka ng jogging pants at maluwag na t-shirt?” “Komportable ako dito sa suot ko. Isa pa, ito lang ang damit ko na medyo bago.” Huminga siya nang malalim. “Magsuot ka ng shorts at fit na damit.” Tumango ako. “Okay, hintayin mo ako.” Wala akong bagong shorts at damit, kaya ang suot ko ay pambahay lang. “Wala na akong maayos na damit,” sabi ko pagkatapos kong magpalit ng maikling maong shorts at fitted na blouse. “That's better.” Napakamot na lang ako sa ulo. “Lumang-luma na itong suot ko,” bulong ko. Tahimik ako habang binabagtas namin ang daan patungo sa lugar na pupuntahan namin. “Lucas, saan ba tayo pupunta?” tanong ko. “We’re going to the mall.” “Sa mall?” He nodded. “Your book signing is coming up, so you need to prepare for it.” Bigla kong naalala na may libro nga pala ako. “Ikaw siguro ang nagbigay ng pen name ko?” He smiled. “All of that is part of my plan.” “Kainis! Naisahan ako.” “Galit ka ba?” Ngiting aso ako. “Hindi.” “Akala ko galit ka.” “May galit ba na nakangiti?” “Good.” “Tse! Lucas Barabas!” bulong ko. Nag-park si Lucas sa isang sikat na mall. Inalalayan niya ako palabas ng kotse at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papasok. “Baka mapagkamalan ka namang katulong,” bulong niya. “Hindi mo kailangan gawin 'yan,” bulong ko. Huminto siya at humarap sa akin. “I’ll do what I want.” Bigla niya akong niyakap sa harap ng mga taong dumadaan. Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa ginawa niya. “Lucas…” “Remember, you’re my wife.” Tumango ako bilang tugon sa kanya. Ngumiti siya. “Let's go.” Ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad kami sa loob ng mall. Ganito ang ginagawa ng mga male lead character sa sinusulat kong kuwento. “Para akong nasa loob ng kuwento,” bulong ko. “Halley!” “Ha?” “Let’s go inside so you can choose your clothes.” “Mga damit ko?” He nodded. “You need to buy a lot of clothes.” “Wala akong pambayad.” “Don't worry, your husband is a billionaire,” sabay kindat niya. “Libre ba?” paniniguro ko. Tumango siya. “Buy all you want.” “Thank you.” Ang gaganda ng mga damit, ngunit nang tingnan ko ang presyo, halos kasing presyo ng isang sakong bigas. “Ang mahal ng mga damit dito,” bulong ko. Imbes na sa damit ako tumitingin, sa presyo ako nakatingin. Kapag sobrang mahal, hindi ko kinukuha kahit gusto ko. “Halley, sigurado ka ba na 'yan ang gusto mo?” tanong niya. Tumango ako. “Yes, maganda naman.” “Your taste is awful.” “Maganda naman sa bulsa.” “Tsk! I knew it, you’re looking at the price.” Tinawag niya ang saleslady at siya na ang pumili ng mga damit na susuotin ko. Hindi na ako nagreklamo sa mga pinili ng saleslady dahil talagang maganda naman lahat. Halos isang aparador na ang mga damit na binili namin. “Lucas, magkano ang nagastos mo?” tanong ko. Hindi niya ako sinama nang magbabayad siya. “Don’t worry about it.” “Sorry kung napagastos kita.” Let’s eat first before we go to the parlor.” “Okay, sige.” Nilagay muna namin ang lahat ng mga pinamili sa sasakyan bago kami kumain sa restaurant. Maging ang mga pagkain ay si Lucas ang pumili. “Tandaan mo ang mga pagkain na inorder ko para magamit mo kapag nagsusulat ka.” “Feeling ko nga para akong nasa kuwento ko.” “Ang pangit ng kuwento mo.” Sumimangot ako. “Panira ka talaga ng mood.” “I'm just telling the truth so you can improve.”Oo na!” inis kong sagot. Dinala ko na lang sa pagkain ang inis ko sa kanya. Hindi ko maintindihan si Lucas. Minsan mabait, pero hindi matatapos ang araw nang hindi niya sisirain ang mood ko. “I want my family to meet you,” Lucas said while we were eating. “Gusto nila akong makilala?” He nodded. “I didn’t invite them to our wedding, so they want to meet you.” “Paano 'yan? Alam ba nila na fake lang ang kasal natin?” “They don’t know, and don’t tell them or anyone that our marriage is fake.” Tumango ako. “Kinakabahan ako. Baka hindi nila ako magustuhan.” “Whether they like you or not, they can't do anything about it. What's important is that I like you.” Yumuko ako para itago sa kanya ang pamumula ng mukha ko. Kinikilig ako! Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa parlor. “Welcome, Ma’am and Sir!” wika ng bakla na nagbukas ng pinto sa amin. Umupo ako sa gilid habang nakikipag-usap si Lucas sa parlorista. Marahil magpapagupit siya ng buhok kaya kami nandito. Lumapit sa akin ang isang parlorista at hinawakan ang buhok ko. “Hindi ako magpapagupit ng buhok.” “Ma’am, kailangan na talagang rebond ang buhok n’yo dahil parang walis tambo,” wika ng parlorista. “Ha?” tanging tanong ko. Tinuro niya si Lucas. “Sinabi ng asawa n’yo na pagandahin ka daw namin.” “Akala ko siya ang magpapagupit ng buhok?” “Guwapo na si Sir, at wala nang babaguhin sa kanya.” “Teka, kakausapin ko lang siya.” Lumapit ako kay Lucas na nakaupo at may hawak na magazine. “Lucas, akala ko ikaw ang magpapagupit ng buhok kaya tayo pumunta dito?” “You need to make sure your hair looks good because I get an allergy when your hair touches my skin.” “Bakit hindi mo sa akin sinabi?” Stop asking so many questions. Just get a rebond because I'll be the one to pay for it.” “Alam kong gusto mo lang akong maging maganda kaya mo ito ginagawa, pero salamat pa rin.” Tumalikod ako at pinuntahan ko ang mag-aayos sa akin ng buhok. Bago lahat sa akin ang mga nangyayari. Yung dating pangarap ko lang, ngayon ay unti-unti nang natutupad. Habang tumatagal ang oras ko sa loob ng parlor ay nag-aalala naman ako kay Lucas na naghihintay sa akin. “Baka naiinip na siya sa akin,” bulong ko. Halos limang oras na kaming nasa loob ng parlor at siguradong naiinip na si Lucas. Ilang beses na rin akong nagtanong sa parlorista kung malapit nang matapos. Kinabahan ako nang lumapit sa akin si Lucas. “Here, kumain ka muna.” Inabot niya sa akin ang isang burger at soft drink. “Thank you.” “Lalabas muna ako.” Tumango ako. “Puntahan mo na lang ako kung malapit nang matapos.” “Okay.” Tumalikod siya at umalis. “Ang sweet naman ng asawa mo, Ma’am,” wika ng baklang parlorista. “Maganda ang mood niya ngayon.” “Saan mo nakuha ang asawa mo? Puwede mo ba sa akin ituro?” biro niya. Ngumiti ako. “Hindi ko siya kinuha.” “Ang swerte mo sa kanya, 'wag mo na siyang pakawalan. Bihira lang ang ganyang lalaki.” Hindi ako umimik. Alam ko naman kasi na parte lang ito ng kasunduan namin. Halos anim na oras ang tinagal ko sa parlor bago ako natapos i-rebond. Sulit naman dahil sobrang ganda ng kinalabasan. Parang nag-iba ang itsura ng mukha ko habang pinagmamasdan ko ang itsura ko sa harap ng salamin. “Ang ganda ko,” bulong ko. “Siguradong mas lalong maiin-love sa ‘yo ang asawa mo kapag nakita ka niya,” wika ng parlorista. “Salamat dahil pinaganda mo ako.” “Naku, maganda ka naman talaga, lalo ka lang gumanda.” “Binayaran na ba ito ng asawa ko?” tanong ko. Tumango siya. “Yes, Ma’am.” “Mabuti naman.” Lumabas ako ng parlor at pumunta sa kotse kung saan ito naka-park. Nang papalapit na ako sa kotse, nakita ko ang isang babae na may kahalikan na lalaki sa likod ng kotse. Hindi ko sana papansinin silang dalawa, ngunit napansin ko ang kulay ng damit ng suot ng lalaki. “Parang kulay ng suot na damit ni Lucas.” Lumapit ako para makita ko ang lalaki. Nang halos isang dipa na lang ang layo ko sa kanila ay bigla akong kinabahan. “Si Lucas!” Hindi ko alam kung bakit biglang sumikip ang dibdib ko at parang papatak ang mga luha ko. “Hindi naman masakit, parang kagat lang naman ng dinosaur.” Marahil napansin nilang may nakatingin sa kanilang dalawa kaya bigla silang huminto. Nagkatinginan kami ni Lucas. “S-Sorry, Ma’am and Sir!” tumakbo ako palayo sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD