“Kasal na kami,” bulong ko habang pinagmamasdan ang wedding ring na nakasuot sa kamay ko.
Hindi ko naisip na magpapakasal ako sa ganitong edad. Ang pangarap ko lang naman ay magkaroon ng magandang trabaho, pero nauwi ako sa pag-aasawa.
Tumingin ako sa paligid ng kuwarto. “Sino bang mag-aakala na matutulog ako sa ganitong kuwarto? Hindi ka makakaramdam ng lamig dahil malakas ang aircon, halos lahat ng mga gamit ay bago, at feeling ko nga ay hindi uso ang alikabok sa bahay na ito.”
Nawala ang pagmuni-muni ko nang bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok si Lucas na may dalang isang bote ng wine.
“Maging alak, na-improve na rin. Noon, ang iniinom ko ay tuba o kaya Gin bilog. Ngayon, Champagne o Tequila.”
“Bakit ka nakatingin sa akin?” tanong ni Lucas.
Umiwas ako at hindi siya tiningnan. “H-Hindi ikaw ang tinitingnan ko.”
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. “Are you ready?”
Umakyat ang kuryente sa katawan ko sa sinabi niya, lalo na’t dumikit sa balat ko ang hininga niya.
“M-Mukhang masarap ito.” Kinuha ko sa kanya ang bote ng alak at binuksan ko ito saka ininom. Tumulo sa leeg ko ang alak dahil sa sobrang taranta ko.
Tinitignan ako ni Lucas. “You’re so cute.”
Kinuha niya sa akin ang bote ng alak at ipinatong ito sa mesa. Pagkatapos, yumuko siya at dinilaan ang alak na natapon sa leeg ko.
Lumunok ako upang pigilan ang init na nararamdaman ko. Hindi ko talaga maramdaman ang pandidiri kay Lucas. Sa halip, init ng katawan ang nararamdaman ko at pagkasabik. Nang maramdaman ko ang higpit ng yakap niya ay pumikit ako.
“Hmm…Halley,” anas niya.
Niyakap ko siya at hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Hinawakan niya ang baba ko at siniil niya ako ng halik habang ang kamay niya ay gumagapang sa loob ng suot kong damit. Pumikit ako at tumugon sa mapusok niyang halik. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maramdaman ang sarap dulot ng kanyang halik. Tinaas ni Lucas ang suot kong palda at binaba niya ang suot kong underwear. Pagkatapos, hinimas niya ang aking pagkababe.
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. “Ohh!”
Nararamdaman kong labas-pasok na ang daliri niya sa loob ng aking p********e. Huminto siya sa panghahalik sa aking labi at nagmadali siyang tanggal ang suot kong damit. Nang tuluyan na akong walang suot na damit, yumuko siya at hinalikan ang matambok kong dibdib saka sinipsip niya ang aking s**o.
‘Ohh!” ungol ko.
Hindi ko maipaliwanag ang sarap nararamdaman ko, kahit alam kong masakit pa rin ang aking kiffy ay okay lang. Hindi ko siya pipigilan sa gusto niya. Huminto si Lucas at hinubad niya ang suot niyang damit. Muli na naman akong natulala nang makita ko ang kanyang mahabang ari. Kinuha niya ang isang kamay ko at dinikit niya sa dibdib niya at pinagapang sa kanyang maselang parte ng katawan.
“Lucas...”
Namumungay ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Touch it.”
Tumango ako at hinawakan ko ang alaga niya saka nilaro ko ito sa aking mga palad.
“Ohh!” ungol niya.
Lumuhod ako sa harapan niya at sinubo ko ang alaga niya. Hindi niya ito inutos, pero gusto kong gawin para maging masaya siya.
“Oh, s**t!”
Hinawakan niya ang buhok ko habang dinidilaan ko ang alaga niya.
“Ohh!” muli niyang ungol.
Halos limang minuto ginawa kong pagsubo sa kanyang alaga nang pahintuin niya ako. Sinandal niya ako sa dingding at tinaas niya ang aking mga hita.
“Oh, Halley!”
Kinagat ko ang labi ko nang ipasok niya ang alaga niya sa aking p********e.
“Ohh!” malakas kong ungol.
“Oh, s**t!” sambit ni Lucas.
Pabilis nang pabilis ang pagbayo niya sa akin.
“Oh, I’m coming!” bulong niya.
Kagat-labi ko habang nararamdaman kong malapit na naming marating ang rurok ng langit.
“Ohh!” sabay naming ungol.
Hinalikan niya ang leeg ko at bumulong siya. “Tandaan mo, sa akin na lang.”
“Oo, iyo lang ako.”
Nakaramdaman ako nang pagod pagkatapos naming magsiping. Ito ang unang beses naming na nagsiping na nakatayo.
“Sabay tayong maligo.” Binuhat niya ako patungo sa banyo at pinaupo sa jacuzzi.
“Round two,” sabay kindat niya sa akin.
“Round two? Pagod pa ang katawan ko.”
“Remember, honeymoon natin ngayon.”
Tumango ako bilang tugon. Kung alam ko lang na wala pa lang pahinga ang honeymoon, sana kumain ako ng dalawang balot kanina.
Masakit ang katawan ko nang magising ako ng alas-diyes ng umaga. Dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Sa sobrang pagod ko kagabi, hindi ko na nagawang mag-half bath.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas ako nang kuwarto para kumain ng almusal. Siguradong marami na namang hinandang pagkain ang katulong. Paglabas ko, wala akong nakita kahit isang katulong.
“Day off siguro nilang lahat.”
Dumiretso ako sa kusina para tingnan kung anong puwedeng kainin. Nakita ko ang tinapay at palaman. “Ito na lang ang kakainin ko.”
Habang kumakain ako ng tinapay, dumating si Lucas na basa ang suot na damit.
“Good morning!” sabi ko.
Seryoso siyang tumingin sa akin. “Anong niluto mong almusal?”
“Almusal?”
“Nakalimutan mo na yata na asawa kita at obligasyon mo na pagsilbihan ako.”
“Oo. Pero akala ko katulong ang nagluluto ng pagkain.”
“Pinagbakasyon ko ang katulong ko ng anim na buwan para gawin mo ang obligasyon mo sa akin.”
“Kawawa naman sila kung anim na buwan silang walang trabaho. Paano ang mga pangangailangan nila?”
“Huwag mong isipin ang tungkol sa kanila dahil bayad ang anim na buwan nilang bakasyon.”
“Okay.”
“Simula ngayon, ikaw na ang magluluto ng pagkain natin at maglilinis ng mansion. Araw-araw kang maglilinis tulad ng ginagawa ng katulong ko.”
Mabilis kong pinagmamasdan ang loob. Kusina pa lang, katumbas na ng dalawang bahay. Ang dami pa namang kuwarto dito. Siguradong hindi ko matatapos ang paglilinis ng buong bahay sa loob ng isang araw.
“Nagkakaintindihan ba tayo?”
Tumango ako. “Yes, Sir!”
“Anong sinabi mo?”
“Ay, sorry! Akala ko katulong ako.”
“Gawin mo nang maayos ang obligasyon mo sa akin at sa loob ng bahay.”
“Paano pa ako makakapagsulat ng kwento kung marami akong ginagawa araw-araw?”
“Nagrereklamo ka?”
Umiling ako. “Hindi, tuwang-tuwa nga ako eh.”
“Good. Magluto ka ng almusal, nagugutom na ako.”
“Hindi ka ba on a diet?” tanong ko.
“Gusto kong kumain ng almusal kaya magluto ka!” sigaw niya.
Sumimangot ako. “Okay, ang sungit mo naman.”
“Gawin mo na lang ang inuutos ko!” sigaw niya.
“Akala mo nasa kabilang bundok ang kausap kung makasigaw,” bulong ko.
“What did you say?”
“Sabi ko ang guwapo mo.”
“Good.”
“Kaya lang bingi ka,” bulong ko.
Marunong akong magluto ng pagkain, pero parang hindi ko magagawa ng maayos dahil nakabantay sa akin si Lucas.
“Akala niya siguro lalagyan ko ng lason ang pagkain niya kaya binabantayan niya ako.”
“Tapos ka na bang magluto? Kanina pa ako nagugutom?” sabi niya.
“Malapit na ito.”
“Huwag marami ang lutuin mo dahil hindi natin mauubos.”
“Yes, Boss!”
“What!”
“Yes, Mahal!” sagot ko.
“Tsk! Gross.”
Humahaba ang nguso ko nang ilagay ko sa lamesa ang mga pagkain na niluto ko.
“Kumain ka na.”
“Lagyan mo ako ng pagkain sa plato ko.”
“Baldado ka ba?” inis kong sagot.
“Gusto mong putulin ko agad kontrata?”
“Joke lang! Lalagyan na kita ng pagkain.”
Nilagyan ko siya ng pagkain bago ako naglagay sa plato ko.
“Pagkatapos mong maglinis dito sa kusina. Unahin mong linisin ang kuwarto natin, lalo na ang bathroom. Gusto kong malinis at mabango siya.”
Namula ang mukha ko. Ilang beses kaming nagtalik ni Lucas kagabi at hindi ko na alam kung ilang posisyon ang ginawa namin. Talagang sinulit ni Lucas ang honeymoon namin.
“Are you listen to me?”
“Oo, Mahal!” sagot ko.
“Don’t call me, Mahal.”
“Bakit ayaw mo ba kitang tawagin na mahal?”
“You don’t really love me, so why would you call me by the endearment 'Mahal?'”
Yumuko ako. “Sige, pare na lang.”
“Ginagalit mo ba ako?”
“Hindi kita maintindihan. Ano ba talaga ang gusto mong itawag ko sa’yo?”
“Nothing.”
“Okay, nothing.’” Pinagpatuloy ko ang pagkain.
Nang matapos kaming kumain, nagsimula na akong maglinis ng mansyon. Hindi naman madumi ang mansyon dahil araw-araw itong nililinis ng katulong, pero alam kong magagalit si Lucas kapag hindi ko siya sinunod.
“Kaasar! Nakakapagod linisin ang malinis na.”
Tiningnan ko pa lang ang loob ng mansyon, parang nakakapagod na. Ang kuwarto namin ang una kong nilinis. Pinalitan ko rin ang kobre kama at punda ng mga unan. Nagpunas rin ako ng sahig para mas maging malinis at mabango. Habang nagpupunas ako ng sahig, napansin ko ang naka-bundle na tig-iisang libo sa ilalim ng kama.
“Wala na ba siyang mapaglagyan ng pera kaya sa ilalim ng kama niya ito nilalagay?” Kinuha ko ang mga pera at inilagay sa drawer. Pagkatapos, pinagpatuloy ko ang paglilinis.
Pagsapit ng alas-onse ng tanghali, huminto ako para magluto ng pagkain. Nakaupo si Lucas sa malambot na sofa habang nanonood.
“Nothing, nilagay ko sa drawer ang mga pera mong nakakalat,” sabi ko.
Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin. “What did you say?”
Napakamot ako sa ulo. “Inalis ko sa ilalim ng kama ang mga nakakalat mong pera dahil naglilinis ako. Kunin mo na lang sa drawer ang mga pera mo at ilagay sa tamang lagayan.”
“Hindi ‘yan.”
“Anong hindi ‘yan?”
“Anong tawag mo sa akin?”
“Nothing.”
“f**k!”
“Luh, bakit ka nagagalit?”
“Bakit mo ako tinawag na Nothing?”
“Sabi mo ‘yon ang gusto mong itawag ko sa’yo?”
“You’re so stupid. Call me Lucas.”
“Okay.” Tumalikod ako para umalis.
“Halley!”
Humarap ako sa kanya. “Bakit?”
“Wala akong iniwang pera sa kuwarto.”
“Mas lalong hindi sa akin ang perang ‘yon.”
“Hindi sa akin ang perang ‘yon kaya sa’yo na lang. Ibili mo na lang ng mga gamit mo.”
Umiling ako. “Ayoko nga!”
“Why?”
“Mahirap lang ako, pero hindi ko ugali na gastusin ang perang hindi akin. Kung hindi sa ’yo ang pera, ipagtanong mo na lang sa mga kamag-anak mo, baka sa kanila ‘yon.”
Ilang segundo niya akong tinitigan. “Okay.”
“Magluluto na ako.” Tumalikod ako at umalis.
Habang nagpiprito ako ng isda ay bigla akong natalsikan ng mantika.
“Aray!” sigaw ko.
“What happened?”
Tumingala ako. “Napaso ako.”
Pinapanood pala niya ako sa CCTV.
“Hindi ka kasi nag-iingat.”
“Sorry!” Pinagpatuloy ko ang pagpiprito ng isda.
Ilang segundo lang ang lumipas ay nasa likuran ko na siya.
“Where did you get burned?”
“Dito sa braso ko.”
Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at nilagyan ng yelo. “Hindi ka kasi nag-iingat.”
Namula ang mukha ko. “Thank you.”
“Hintayin mo ako, lalagyan natin ng ointment ang napaso mo para hindi na tuluyan masugat.” Tumalikod siya at kumuha ng gamot.
“Mabait ka rin pala,” bulong ko.
Habang hinihintay ko siya ay pinagpatuloy ko naman ang niluluto ko.
“Come here!” wika niya.
Lumapit ako sa kanya. “Hindi na masakit.”
“Tsk!” Hinawakan niya ang braso ko at pinahiran niya ng ointment.
Habang ginagawa niya ‘yon ay nakatingin ako sa kanya. Mas lalo siyang nagiging guwapo kapag mabait.
“Salamat.”
“Next time, mag-iingat ka.”
“Okay.”
“Halley…”
“Bakit?”
Huminga siya ng malalim. “You can call me love.”
“Love? Bakit naman?”
“Dahil gusto mong tawagin akong love.”
“Gusto ko ba ‘yon?”
“Huwag mong ubusin ang pasensya ko.”
“Sige, Love.”
“Pagkatapos natin kumain ay samahan mo akong pumunta sa Mall.”
Tumango ako bilang tugon sa kanya. “Tatapusin ko muna ang niluluto ko.”
“Ako na ang magluluto baka mapaso ka ulit.”
“Ako na lang ang magtatapos.”
“Bakit ba lagi mo akong kinokontra?"
Yumuko ako. “Sabi ko nga, ikaw na ang magluluto.”
Kainis! daig pa ang may regla. Pabago-bago ng mood.
“Stay here," sabay alis niya.
Habang hinihintay ko siya na matapos na magluto. Pumunta ako sa sala upang manood ng palabas sa tanghali. Pagbukas ko ng television, CCTV ang nakita ko sa malaking screen ng TV.
Ako pala ang pinapanood niya mula pa kanina.