“Good morning!” nakangiti kong bati kay Lucas nang magising siya.
Ngumiti siya sa akin. “Good morning!”
“Nagluto na ako ng almusal natin,” sabi ko.
Bahagyang kumunot ang noo niya. “It's only six in the morning.”
Tumango ako. “Excited na kasi akong dalawin ang pamilya ko kaya hindi ako nakatulog nang maayos.”
Tumango siya. “Okay, I’ll take a shower.”
“Sige, ihahanda ko na ang mga gamit mo,” sagot ko at tumalikod para umalis.
Hinanda ko ang susuotin niya at ang mga pasalubong na ibibigay ko sa pamilya ko. Hindi naman ako pinagdadamutan ni Lucas pagdating sa pera. Madalas niya akong bigyan kahit hindi ko hinihingi, kaya iniipon ko ito para kapag umuwi ako sa bahay, may maibigay ako kay Nanay.
Habang hinihintay ko si Lucas sa hapag-kainan, tumawag si Nanay sa akin.
“Hello, Nay!” bati ko.
“Halley, anong oras kayo pupunta dito sa bahay?” tanong niya.
“Mamaya nandiyan na kami. Kakain lang kami ng almusal ni Lucas,” sagot ko.
“Naku, nagluto pa naman ako ng pagkain. Baka hindi na kayo kumain dahil busog na kayo.”
“Konti lang ang kakainin ko para marami akong makain mamaya,” sagot ko na may halong biro.
“Oh, sige. Hintayin kita.”
“Sige, Nay.” Sabay putol niya ng tawag.
Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na si Lucas na nakatapis lang ng puting tuwalya. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya nang diretso.
“Why aren’t you looking at me?” he asked.
“Ha?” sagot ko, kunwari’y walang alam.
He sighed. “Is it because I’m not wearing a shirt?”
Ilang beses akong umiling. “Hindi kaya!” Muli kong pinagpatuloy ang pagkain.
“I’ll give you your ten-thousand-peso allowance later. We’ll also stop by the grocery store before heading to your house,” he said.
“Anong gagawin natin sa grocery?” tanong ko.
“Baka wala nang stock ng grocery ang pamilya mo. Let’s buy more. Your mom can’t go out shopping since she has to take care of your dad.”Lihim akong ngumiti. Ang sarap marinig kay Lucas kapag tinatawag niyang “Mom” at “Dad” ang mga magulang ko.
“Hindi mo naman kailangang gawin ’yon,” sabi ko.
“That’s part of our agreement.”
“Salamat.”
Pagkatapos naming kumain, nagbihis na ako ng damit at umalis na kami ni Lucas. Tulad ng sinabi niya, dumaan kami sa grocery para bumili ng mga pagkain para sa bahay. Ako ang pinamili ni Lucas, kaya habang namimili ako, kausap ko si Nanay sa cellphone para alamin kung ano-ano ang mga kailangan nila. Tatlo lang naman sila sa bahay, at siguradong hindi nila agad mauubos ang mga stock na binili ni Lucas.
“That’s it?” tanong niya.
“Sorry, ang dami ba?”
“No, it’s just one cart. Why so little?”
“Marami pa silang stock ng pagkain. Sayang naman kung aabutin ng expiration,” sabi ko.
Nagkibit-balikat siya. “Okay.”
Isang oras din kami sa grocery bago tuluyang pumunta sa bahay.
“Lucas, salamat,” sabi ko habang binabaybay namin ang daan pauwi.
“For what?” tanong niya.
“Hindi magiging maganda ang buhay ng pamilya ko kung hindi dahil sa’yo. Alam mo bang pangarap ko lang ito para sa kanila?”
“Well, congrats dahil natupad mo na ang pangarap mo para sa kanila,” sagot niya.
“Ikaw ang tumupad ng pangarap ko para sa kanila.”
“Maliit na bagay.”
Ngumiti ako. Pagkatapos, lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang hinalikan sa pisngi.
Tumawa siya. “Huwag mo akong akitin, baka hindi tayo makarating nang maaga sa bahay n’yo.”
“Reward kiss ’yan para sa’yo.”
“Ayoko ng kiss.”
Kumunot ang noo ko. “Anong gusto mo?”
Huminto siya sa gilid ng kalsada at lumapit sa akin. “Torrid kiss in five minutes.”
Hindi na ako nakapagsalita dahil sinakop na niya ang labi ko. Tumugon ako sa mapusok niyang halik hanggang sa maramdaman ko ang kanyang kamay na hinihimas ang dibdib ko.
Nang sa tingin ko ay limang minuto na, bahagya ko siyang itinulak. “Five minutes na.”
Muli niyang pinaandar ang sasakyan. “Bitin,” bulong niya.
“Mamaya na lang natin ituloy sa kuwarto natin sa bahay.”
“Okay, but I can’t wait.”
Hindi na lang ako nagsalita upang hindi niya ipilit ang gusto niya. Hindi naman kasi ako makakatanggi kapag pinilit niya ako.
“Lucas! Halley!” masayang bati ni Nanay nang salubungin kami.
Lumapit ako kay Nanay at niyakap ko siya. “Kumusta na kayo?”
“Okay naman kami.”
“Hello, Nay,” wika ni Lucas.
“Mas lalo kang gumuguwapo. Halina kayo sa loob; nagluto ako ng pagkain para sa inyo.”
“Halley, Lucas!” wika ni Tatay.
“Tatay?”
Nagulat ako dahil nakapaglalakad na si Tatay, at mas maayos na rin ang pagsasalita niya.
Sinalubong ko siya. “Totoo ba ’to?”
“Mabilis na gumagaling ang tatay mo dahil alaga siya sa therapy. Magaling din ang doktor niya ngayon,” wika ni Nanay.
Lumapad ang ngiti ko. “Mabuti naman kung gano’n. Sa susunod na bisita ko rito, baka kaya n’yo nang tumakbo.”
“Naku, porke’t maayos na ang salita niya, kahit gabi ay gusto pa niyang magkuwentuhan kami,” wika ni Nanay.
“Natutuwa lang ako dahil mas naiintindihan na ang sinasabi ko ngayon kaysa noon. Hindi na rin ako naglalaway habang nagsasalita,” wika ni Tatay.
Ngumiti ako. “Masaya ako para sa inyo.”
“Nay, namili kami ng grocery n’yo. Mamaya ay kukunin ko sa kotse,” wika ni Lucas.
“Salamat, Lucas,” wika ni Nanay.
“Lucas, puwede na tayong uminom ng alak. Magaling na ako,” wika ni Tatay.
“Hoy! Anong sinasabi mong magaling ka na? Bulol ka pa rin nang kaunti. Hindi mo pa nga kayang maglakad nang mabilis, gusto mo na agad uminom,” wika ni Nanay.
“Nagbibiro lang ako,” sagot ni Tatay.
“Sus! Kung hindi kita kinontra, baka uminom ka na.”
“Tama si Nanay. Huwag muna tayong uminom. Magpagaling kayo para kapag kinasal kami sa simbahan, kaya n’yo nang ihatid si Halley sa altar,” wika ni Lucas.
Tumingin ako kay Lucas. “Lucas...”
Gusto ko sana siyang pigilan dahil alam ko naman na hindi mangyayari ang sinasabi niya sa magulang ko.
“Siguradong magaling na ako kapag kinasal na kayo ng anak ko,” wika ni Tatay.
“Lucas, tikman mo ito.” Sinubo ko sa kanya ang maja blanca na luto ni Nanay upang tumigil na siya sa sinasabi niya sa magulang ko.
Nagkuwentuhan sila habang ako ay pumunta sa kuwarto para matulog, ngunit wala pang sampung minuto ay may narinig akong kumakatok sa pinto, kaya binuksan ko ito.
“Nay, bakit?”
Pumasok siya sa loob ng kuwarto at umupo sa kama. “Halley, may gusto sana akong itanong sa’yo.”
“Ano po iyon?”
“May asawa ba si Lucas?”
Umiling ako. “Wala naman siyang asawa. Hindi naman kami makakapagpakasal kung may asawa siya.”
“Noong isang araw, may pumunta rito na magandang babae. Sabi niya, siya raw ang asawa ni Lucas at hindi raw totoo ang kasal n’yong dalawa.”
“Anong pangalan ng babae na pumunta rito? Itatanong ko kay Lucas, baka kilala niya.”
“Savana ang pangalan niya. Peke raw ang kasal n’yo ni Lucas. Iniwanan daw siya ni Lucas dahil nawalan daw siya ng oras kay Lucas. Ngayon, gusto niyang ayusin ang relasyon nila, pero hindi na raw niya kaya dahil ayaw siyang kausapin ni Lucas. Humihingi siya ng tulong sa akin. Handa raw niyang ibnigay kung anong binibigay sa atin ni Lucas basta maayos daw ang relasyon nilang dalawa.”
Umiwas ako nang tingin sa kanya. Alam ko naman na peke ang kasal naming ni Lucas. At kahit anong oras ay puwede niya akong iwan. Hindi ko lang sinabi kay Nanay ang totoo dahil ayokong malungkot siya.
“Huwag kayong maniniwala sa sinabi ng babaeng ‘yon.”
“Paano kung totoo ang sinabi niya? Paano tayo? Kukunin ba niya ang bahay mo?”
Huminga ako nang malalim at kinuha ang perang ibinigay sa akin ni Lucas. “Ibinigay sa akin ito ni Lucas. Allowance n’yo raw ito.”
“Ang laki nito. Halos wala na akong ginagastos dahil kumpleto na ang mga kailangan ko. Si Lucas na rin ang nagbibigay ng monthly allowance ni Harry. Tuwang-tuwa nga ang kapatid mo dahil nakakapag-ipon na siya.”
“Itabi n’yo itong pera. Kung sakaling totoo ang sinabi ng babae, may pera tayong ipon.”
“So, ibig sabihin, totoo?”
Umiling ako. “Itatanong ko kay Lucas, pero kailangan natin maging handa kung sakali.”
“Hindi naman ako natatakot na bumalik sa dati nating buhay. Ang inaalala ko lang ay ang Tatay mo. Matitigil ang therapy niya at ang paggamot niya.”
“Huwag n’yo munang isipin ang bagay na ‘yan para hindi kayo ma-stress.”
Tumango siya. “Hindi ko na ito gagastusin.”
“Tama ‘yan.”
“Excuse me!”
Bigla naming hininto ang pinag-uusapan namin.
“Ikaw pala Lucas.” wika ni Nanay.
“Naistorbo ko yata ang pinag-uusapan n’yo,” wika ni Lucas.
Umiling si Nanay. “Nagkwentuhan lang kami.” Tumayo si Nanay at lumabas ng kuwarto.
Ngumiti ako. “Napagod ka na ba makipag-usap kay Tatay?” sabi ko.
Humiga siya sa kama. “Nag-enjoy naman akong kausap si Tatay. Gusto ko lang talagang samahan ka dito sa kuwarto.”
Bigla kong naalala ang sinabi ni Nanay. “Lucas, puwede mo ba akong kuwentuhan tungkol sa mga naging girlfriend mo?” tanong ko.
Hinila niya ako kaya sumubsob ako sa dibdib niya. “Bakit?”
Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Wala naman.”
“May magbabago ba kung sasabihin ko sa’yo ang tungkol sa mga naging girlfriend ko?” tanong niya habang tumingin sa akin na parang may gustong hulihin.
“G-Gusto ko lang makilala ka nang mabuti... baka magulat na lang ako na may biglang hihila sa buhok ko.”
“Huwag kang mag-alala. Walang hihila ng buhok mo.”
Naramdaman ko ang kanyang kamay na marahang hinihimas ang aking likod.
“O-Okay.” Lumayo ako sa kanya upang iwasan ang gusto niyang gawin, ngunit tumayo siya at umibabaw sa akin.
“Lucas, baka hanapin tayo ni Nanay?” tanong ko.
Hinawakan niya ang aking mukha at ngumiti. “Make it quick!” Siniil niya ako ng halik.
Pumikit ako at tumugon sa kanyang mga halik habang ang aking mga kamay ay nakapalupot sa kanyang leeg. Ilang sandali lang, naramdaman ko ang kanyang kamay na marahang humahaplos sa aking p********e. Nakaramdam ako ng init ng katawan at kiliti habang dahan-dahang labas-pasok ang kanyang daliri sa loob ng aking p********e.
“Ate Halley!”
Narinig ko ang isang sigaw habang may kumakatok sa pintuan ng aming silid. Huminto ako at bahagyang itinulak si Lucas.
“Si Harry!”
Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya dahil hindi natuloy ang gusto niyang gawin. Umalis siya mula sa ibabaw ko at pumunta sa banyo. Tumayo naman ako upang buksan ang pinto.
“Ate Halley, si Kuya Lucas?” tanong ni Harry. Nakasuot pa siya ng uniporme, halatang kararating lang galing sa eskwela.
Ngumiti ako. “Nasa banyo siya.”
Pumasok si Harry sa loob ng kuwarto at umupo sa gilid ng kama. “May pasalubong ako sa kanya,” sabi ni Harry.
Lumapit ako habang nakakunot ang noo. “May pasalubong ka sa kanya?” Tumango siya at binuksan ang bag. “Binili ko ito kanina sa school namin.”
Kumunot ang noo ko. “Bakit si Lucas lang ang may pasalubong?”
“Si Kuya Lucas kasi ang nagbibigay ng baon ko. Alam mo bang akala ng mga kaklase ko mayaman na tayo? Hatid at sundo kasi ako ng driver ni Kuya Lucas. Palagi na rin akong may baon, at binibigyan ko na rin ng pagkain ang mga kaklase kong walang baon.”
"Maganda naman ang ginawa mo dahil hindi ka madamot sa ibang tao, pero bakit ako walang pasalubong?" tanong ko.
"Sinabi ko na, si Kuya Lucas ang nagbibigay sa akin ng baon, kaya siya lang ang may pasalubong para sa akin," sagot niya.
"Grabe! Ako ang kapatid mo," inis kong tugon.
Isang paper bag ang hawak niya habang hinihintay niyang lumabas si Lucas.
“Ano ang laman ‘yan?”
“Sekreto.”
“Pagkain ba ‘yan?”
Ngumiti siya. “Sekreto nga.”
Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Lucas. Nagulat pa siya nang makita niya si Harry.
“Kuya Lucas, may pasalubong ako sa ‘yo.” Tumayo siya at binigay niya kay Lucas ang maliit na paper bag.
Ngumiti si Lucas. “Akala ko nagbibiro ka lang nang tumawag ka sa’kin kagabi,” wika ni Lucas.
“Tinatawagan ka ni Harry?” tanong ko.
Tumango si Lucas. “Palagi kaming nag-uusap ni Harry,” sabay ngiti niya.
Ngayon ko lang nalaman na nag-uusap silang dalawa ni Harry. Kaya siguro binilhan ni Lucas ng cellphone si Harry para may-kontak silang dalawa.
“Buksan mo na Kuya,” wika ni Harry.
Binuksan ni Lucas ang laman ng paper bag. Nakita kong puro matatamis na pagkain ang dala ni Harry. Sapin-sapin, bibingka, at suman na malagkit.
Ngumiti ako. “Hindi kumakain si Lucas ng matatamis kaya ako ang kakain,” sabi ko.
Kukunin ko na sana kay Lucas ang pagkain, ngunit nilayo niya sa akin.
“Sinong nagsabi sa ‘yo na hindi ako kumakain ng mga ito. Galing ito kay Harry kaya kakainin ko ito. Harry, salamat.”
Ngumiti si Harry. “You’re welcome.” Tumayo siya at lumabas ng kuwarto.
“Akala ko ba ayaw mo ng matatamis na pagkain?”
“Hindi ko sinabing ayaw kong kumain. Umiiwas lang akong kumain.” Binuksan niya ang balot ng bibingka at kinain niya ito.
“Pahingi naman ako,” sabi ko.
“Mmm… masarap.”
“Patikim ako.”
“Uubusin ko ito dahil binigay ito sa akin ni Harry.”
“Ang dami naman ‘yan.”
“Okay, kuha ka.”
Tuwang-tuwa ako nang bigyan ako ni Lucas. Simula nang umalis ako sa lugar namin, hindi na ako nakakain ng ganitong klaseng pagkain. Mas lalo tuloy akong natakam nang matikman ko ulit.
Nagising ako bandang alas-dos ng madaling araw upang pumunta sa banyo at umihi. Tiningnan ko si Lucas—ang himbing ng tulog niya, at naririnig ko pa ang kanyang hilik. Dahan-dahan akong bumangon upang pumunta sa banyo, ngunit biglang tumunog ang cellphone niya. Dahil ayokong magising si Lucas, kinuha ko ang cellphone niya upang sagutin ang tawag.
“Hello!” sabi ko.
“Who are you? Where’s Lucas?” boses ng babae.
Inangat ko ang cellphone upang makita kung sino ang tumatawag. “Si Savana.”
Nagmadali akong pumasok sa banyo para doon kausapin si Savana.
“Tulog na si Lucas,” sabi ko.
“Tsk! Sabihin mo sa akin kung sino ka!”
“Asawa niya,” sagot ko.
Tumawa nang malakas si Savana. “Asawa? Sigurado ka ba diyan?”
“Bukas mo na lang siya kausapin.”
“Okay, tutal atribida ka, ikaw na lang ang kakausapin ko.”
“Wala akong oras para kausapin ka.”
“Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin ’yan sa akin. Tandaan mo, kaya ka nandiyan ngayon ay para paligayahin si Lucas. Hindi ka niya mahal at lalong hindi ka niya mamahalin, dahil hindi pumapatol si Lucas sa mga low-class na katulad mo. Katawan mo lang ang gusto niya!”
Pinutol ko ang tawag niya. “Bwiset!”
Hindi pa nakontento si Savana at nag-text pa siya sa akin. “You’re such a stupid whore.”
Binura ko ang text niya para hindi mabasa ni Lucas. Sinikap kong bumalik sa tulog, ngunit naalala ko ang sinabi ni Savana.
“Bakit ba ako nasasaktan? Malinaw naman sa akin na hindi totoo ang lahat sa amin ni Lucas.”
Pinunasan ko ang luha sa pisngi habang pinagmamasdan si Lucas na natutulog. “Sige lang, basta para sa pamilya ko.”