Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil paparating na si Lucas para sunduin ako. Habang nakaupo kami sa malambot na sofa at nanonood sa 72-inches na smart television, tuwang-tuwa ang pamilya ko dahil pakiramdam nila ay nasa sinehan sila. Hindi na rin pinagpapawisan si Tatay dahil bukas ang aircon sa sala. Bawat bahagi ng bahay namin ay may aircon kaya komportable ang pamilya ko ngayon. Ang sabi nga ni Nanay, para daw kaming nanalo sa lotto dahil biglang gumanda ang buhay namin. Natupad na ang mga pangarap nila noon. Ito rin ang naging dahilan kaya lumakas ang loob kong ipagpatuloy ang pagpapakasal kay Lucas.
“Halley, nasaan na raw si Lucas? Baka lumamig na ang pancit bihon na niluto ko,” wika ni Nanay.
Hindi lang pancit bihon ang niluto niya; nagluto rin siya ng shanghai.
“Malapit na raw siya.”
“Okay, wala ka na bang naiwan na gamit?”
Umiling ako. “Konti lang naman ang damit na dinala ko dahil bibisita naman kami lagi ni Lucas dito.”
“Mayaman naman ang magiging asawa mo kaya mabibili ka niya ng bagong mga damit.”
Tumango ako bilang tugon. Hindi ko na inisip kung bibili niya ako ng damit o hindi. Ang mahalaga sa akin ay magampanan ko ang gusto ni Lucas.
“Ate, bukas may pasok na ako,” wika ni Harry.
“Huwag kang mag-aalala may maghahatid sa ‘yo bukas sa school.”
“Salamat.”
“Mauna na kaya kaming kumain?”
“Sige, sabayan ko na lang kumain si Lucas, kapag dumating siya.”
“Mabuti pa nga.” Tumayo si Nanay upang maghanda ng pagkain. Sumunod naman si Harry. Binantayan naman si Tatay habang nanonood siya. Hindi madalas magsalita si Tatay dahil medyo bulol siya, pero nang lumipat kami dito, nagsimula na siyang maging madaldal. Mabuti na lang at hindi umurong ang dila niya nang ma-stroke siya.
Biglang kong narinig ang busina ng sasakyan sa labas ng bahay. Nagmadali akong lumabas upang buksan ang gate para makapasok ang sasakyan ni Lucas.
“Lucas!” sabi ko.
Lumapit siya sa akin at bigla niya akong hinalikan sa labi. “Are you ready?”
Tumango ako. “Kumain muna tayo ng meryenda. Nagluto si Nanay ng pancit bihon.”
“Okay.”
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinisil.
“Bakit ang lamig ng kamay mo?” tanong niya.
“H-Ha? Hindi lang sanay sa aircon,” alibi ko.
“Kumusta ang tulog mo sa bagong bahay mo?”
“Okay naman.”
“Good.”
“Lucas, mabuti naman at dumating ka na. Nagluto ako ng pancit bihon at shanghai,” wika ni Nanay.
Ngumiti si Lucas. “Thanks, Nay.”
“Walang anuman.” Tinapik niya ang balikat ni Lucas. “Ikaw na ang bahalang magpasensya sa anak ko, madalas isip bata siya,” sabay alis niya.
Tumingin sa akin si Lucas. “Alam na niya?”
“Nakita niya ang titulo ng bahay.”
“Maganda na rin ‘yon para wala ka ng tinatago sa kanila.”
“Kumain na tayo.” Nilagyan ko siya ng pagkain sa plato niya.
Sabay kaming kumain ni Lucas habang pinag-uusapan namin ang tungkol sa paghatid at sundo kay Harry.
“Nay, Tay, alis na ako,” sabi ko.
“Mag-ingat kayo,” wika ni Nanay.
Niyakap ko sila isa-isa at dumiretso akong lumabas. Babagsak na kasi ang luha ko sa mga mata ko.
“I will not bite you,” wika ni Lucas.
“Sorry, ngayon lang kasi ako napalayo sa pamilya ko.”
“Nasa Pilipinas ka pa rin naman. Every weeked puwede natin silang dalawin.”
“Thank you.”
“Bukas tayo magpapakasal.”
“Puwede ko bang isama ang pamilya ko sa kasal ko?”
“Sure, pasusundo ko sila bukas.”
Biglang pumarada si Lucas sa gilid ng kalsada.
“Anong nangyari?” tanong ko.
Tinanggal niya ang seatbelt niya.
“You know our deal.”
Lumunok ako nang dahan-dahan nilapit ni Lucas ang mukha niya sa akin. Nang malapit ng magdikit ang labi namin ay pumikit ako.
Galingan mong humalik! Iyon ang sinasabi ko habang magkadikit ang labi namin. Ang sabi ni Lucas, kailangan ko siyang sabayan kapag hinahalikan niya ako.
Ipinasok ni Lucas ang dila niya sa loob ng bibig ko. Nang makita niya ito ay sinipsip niya ito. Nakaramdam ako ng kakaibang init ng katawan lalo nang himasin niya ang braso ko.
“Hmmm… hindi na ako makapaghintay na hindi ka maangkin,” bulong niya.
Nang huminto siya sa labi ko ay hinalikan naman niya ang leeg ko. Pumikit ako habang nilalasap ang halik niya. Kinagat ko ang ibaba ng labi ko nang ipasok ni Lucas ang kamay niya sa loob ng damit ko.
Bigla kaming nakarinig na sunod-sunod na busina kaya huminto si Lucas at muling sinuot ang seatbelt. Nagpanggap naman akong tulog nang makita ko ang sasakyan ng pulis.
Kumatok sa pinto ang pulis nang harangan nila ang daan.
“Yes?” tanong ni Lucas.
“Sir, okay lang kayo?”
Tumango siya. “Umidlip lang dahil hindi ko napigilan pumikit ang mga mata ko.”
“Kaya n’yo na po bang magmaneho?”
Tumango siya. “Yes, thank you.”
“Sige, Sir,” sabay alis ng mga pulis.
Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na sila. Hindi na kami nag-imikan ni Lucas habang nasa biyahe.
“Nandito na tayo.”
Huminto kami sa malaking bahay. Kung malaki na para sa akin ang binigay niyang bahay. Triple ang laki ng bahay ni Lucas.
Ang ganda ng bahay.
Habang papasok kami sa loob ay napansin ko ang malaking swimming pool. Pangarap ko lang noon na magkaroon ng swimming pool para kapag tag-init ay maliligo ako sa pool.
“Good afternoon, Sir Lucas!” wika ng mga katulong.
Feeling ko tuloy King and Queen kami habang naglalakad papasok sa loob ng bahay. Nakapila ang lahat ng mga katulong niya at pare-pareho ang uniporme nila.
“Good afternoon sa inyong lahat!” sabi ko.
Umakyat kami ni Lucas sa second floor.
“Ito ang magiging kuwarto natin,” binuksan niya ang pinto.
Kinabahan ako nang makapasok ako sa loob ng bahay.
Dito na ba niya kukunin ang pagiging birhen ko?
“Nagustuhan mo ba ang kuwarto natin?” tanong niya.
Tumango ako. “Yes, maganda naman.”
“Good.”
Pinasok ng katulong ang mga gamit ko at umalis na sila.
“Aayusin ko lang ang gamit ko.”
“Halley!”
Namula ang mukha kong tumingin sa kanya. “B-bakit?”
“I hope you are ready?”
Kahit hindi ako ready, wala naman akong magagawa.
“R-ready na.”
Pilyo siyang ngumiti. “Good.”
Lumunok ako nang tanggalin niya isa-isa ang botones ng suot niyang polo.
OMG! May six-pack abs!
Ngayon ko lang nakita ang katawan niya ng buo.
“M-maghuhubad na rin ba ko?”
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil ito ang unang beses na gagawin ko ito.
Umiling siya. “Ako ang maghuhubad sa’yo habang hinahalikan kita.”
Lumunok ako. “O-Okay.”
Hindi na ako umatras nang lumapit siya sa akin at binuhat. Para akong napaso nang magdikit ang aming mga balat, lalo na’t wala na siyang suot na pang-itaas.
Dahan-dahan niya akong ihiniga sa malambot na kama at umibabaw siya sa akin.
*s**t! Ito na talaga!*
Pumikit ako habang hinihintay ang mga labi niyang dumikit sa aking labi. Nang maramdaman ko ang kanyang labi, binuka ko ang labi ko, at nagsimula akong tumugon sa kanyang halik. Medyo, marunong na akong humalik ngayon dahil tinuruan niya ako.
“Hmmm…” anas ko.
Huminto siya, itinaas ang suot kong pang-itaas, at inalis ang aking bra. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya’t tinakpan ko ang aking dibdib.
“Don’t be shy,” sabi niya, sabay alis ng aking kamay. Pagkatapos, yumuko siya at hinalikan ang aking leeg.
Yumakap ako sa kanya nang mahigpit habang kinagat ang labi. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
Bumaba ang kanyang mga halik sa aking dibdib.
“Ohhh!” ungol ko.
Hindi ko gustong umungol, pero kusang lumabas sa bibig ko. Niyakap ko siya nang mas mahigpit.
“Ohhh!”
Naramdaman ko ang kanyang labi sa aking u***g. Para akong ina na nagpapasuso ng sanggol.
“Louder, Halley,” bulong ni Lucas.
Napaliyad ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay na humahaplos sa aking p********e. “Ohhh!”
Mas lalo siyang ginanahan; salitan niyang sinisipsip at dinilaan ang aking s*so. Hindi ko alam kung saan ako kakapit.
“Oh, Halley!”
Hindi ko maintindihan kung bakit wala akong nararamdamang pandidiri sa ginagawa niya. Sabi ng ibang babae, mararamdaman mo ang pandidiri kapag hindi mo mahal ang iyong kasiping.
Hindi naman ako pokpok. Bakit hindi ako nandidiri sa kanya? Bakit gusto ng katawan ko ang ginagawa niya?
Hindi ko namalayan na wala na akong suot na underwear.
Tumingin siya sa akin. “I’ll eat you.”
Namula ang aking mukha sa sinabi niya. Hindi naman ako bata para hindi maintindihan ang sinabi niya. Dumausdos siya pababa sa aking pusod at pinaghiwalay niya ang aking mga hita.
Ganito pala ang pakiramdam ng unang romansa, hindi mapakali.
Yumuko si Lucas at sinisid ang perlas ng sinilangan ko.
“Ohhh!” ungol ko nang malakas.
Halos magdeliryo ako sa ginawa niya. Parang mamumuti ang mga mata ko sa kakaibang sarap.
“Ohhh!” Hinawakan ko ang kanyang buhok nang mahigpit habang nasa ibaba ko siya.
“Ohh, Lucas!”
Patuloy akong umuungol ng malakas. Naramdaman kong basa na ang aking hiyas dahil sa kanyang ginawa.
“Ohh, Halley!” ungol niya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay umahon siya. Lumuhod sa harapan ko at ipinatong ang mga paa ko sa kanyang mga hita.
Tumingin siya sa akin. “Akin ka na ngayon.”
Bigla akong kinabahan nang himasin niya ang kanyang alaga. Pakiramdam ko, mawawarak ang hiyas ko sa laki niya.
“Dahan-dahan lang,” sabi ko.
Tumango siya. “Don’t worry, I’ll be gentle.”
Dahan-dahan niyang ipinasok ang alaga niya, ngunit nakaramdam ako ng kirot.
“Aray!” sabi ko.
“Ohhh!” ungol ni Lucas.
Itinutulak ko siya dahil pakiramdam ko’y hinihiwa ang laman ko sa sobrang sakit, pero hindi siya huminto. Ipinasok niya ang alaga niya at dahan-dahang umindayog.
“Aray!” sabi ko.
Tumulo ang luha ko sa sobrang sakit, ngunit ayaw ni Lucas na huminto.
Ang sakit!
Hinalikan ako ni Lucas habang bumibilis ang kanyang galaw. Unti-unting nawala ang kirot at napalitan ng kiliti.
“Oh, I’m coming!” bulong niya.
Muli niyang sinipsip ang aking u***g habang patuloy ang kanyang galaw. Pagkatapos, bigla siyang huminto.
“You’re so delicious,” wika niya.
Nang umalis siya sa ibabaw ko, may bahid ng dugo ang aking hiyas.
“Virgin ka nga,” wika ni Lucas.
Natulala ako ng ilang segundo habang nakatingin sa kobre-kamang may bahid ng dugo.
Hindi na ako birhen.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Parang kalahati ng pagkatao ko ang nawala.
Tumayo si Lucas at uminom ng wine. “Magpahinga ka muna para may lakas ka sa round 2.”
“May kasunod pa?” tanong ko.
Seryoso siyang tumingin sa akin. “Akin ka na kaya wala kang gagawin kundi sundin ang gusto ko.”
Umiwas ako ng tingin. “Sige.”
Hindi ko maitatangging nagustuhan ko ang kanyang romansa, pero parang hindi ko kakayaning mag-round 2 dahil masakit talaga.
Nagkumot ako habang nagpapahinga, hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.
“Aray! Namamaga yata ang mga hita
ko,” bulalas ko. Masakit ang katawan ko nang magising ako bandang alas-otso ng
umaga. Dahan-dahan akong tumayo dahil sa sakit ng mga hita ko, at pakiramdam
ko'y parang lalagnatin din ako.
“Ganito pala ang first time—parang
magkakasakit ka talaga,” bulong ko sa sarili. Napansin kong ibang damit na ang
suot ko. “Binihisan kaya ako ni Lucas?”
Naalala ko na dapat ay may second round pa kami, ngunit nakatulog ako sa sobrang pagod. “Baka galit siya sa akin
dahil tinulugan ko siya.” Kahit masakit ang katawan ko, dumiretso ako sa banyo
para maligo. Matapos maligo at mag-ayos ng sarili, lumabas ako ng kuwarto para
hanapin si Lucas.
“Good morning, Ma’am!” bati ng isang katulong.
Ngumiti ako. “Ah... nasaan po si Lucas?”
“Si Sir Lucas, maaga pong umalis,” sagot niya.
Salamat naman at makakapagpahinga ako, sa isip-isip ko.
“Ma’am, kumain na po ba kayo ng almusal?” tanong ng katulong.
Tumango ako. “Manang, ano po ang almusal?”
“Marami po kaming niluto para sa inyo.”
Hinimas ko ang tiyan ko. “Mukhang mapapadami ang kain ko.”
“Halina po kayo,” yaya niya habang papunta sa kusina.
“Manang, marami bang tao dito?” tanong ko.
Pagdating sa kusina, hindi lang fried egg ang nakahain. May fried rice, bacon, hotdog, tapa, longganisa, fried
talong, vegetable salad, at adobong baboy. Kakaiba rin ang fried rice dahil may mga kung anu-anong sangkap.
“Ikaw na lang po ang Hindi kumakain,” sabi ng katulong.
“Ako na lang? Bakit ang daming natira?”
“Hindi po ito tirang pagkain. Bagong luto po ang lahat ng ito.”
“Alam ko po, pero sobrang dami naman. Hindi naman ako patay-gutom,” pabirong sagot ko.
Ngumiti siya. “Hindi po namin alarm kung ano ang gusto n’yong kainin sa umaga, kaya niluto namin lahat ng ito.”
“Naku, sa amin nga, kape lang sa umaga. Maswerte na kung may partner na tinapay. Okay na sa akin ang tinapay o kaya itlog.”
“Sige po, Ma’am. Ano po ang gusto n’yong ihain namin sa tanghalian?”
“Huwag na kayong mag-abala. Itong mga ulam na niluto n’yo, puwede ko na itong kainin buong linggo.”
“Magagalit po si Sir Lucas,” sari niya.
“Gano’n ba? Huwag na kayoing mag-alala; kahit gulay lang ay okay na ako.”
Tumango siya. “Kumain na po kayo.”
Habang kumakain ako, nakabantay sa akin ang dalawang katulong.
“Sabayan n’yo na po akong kumain,” sabi ko.
Umiling sila. “Kanina pa po kami nag-almusal.”
“Okay, bakit parang nakabantay kayo? Binibilang n’yo ba ang subo ko para i-report kay Lucas?”
Umiling silang sabay. “Nandito kami para maghintay ng utos n’yo.”
“Ha? Huwag n’yo na akong bantayan.”
“Magagalit po si Sir Lucas.”
“Hindi ako makakain nang maayos kung may nakabantay sa akin.”
“Tawagin n’yo na lang po kami may kailangan kayo,” paalam ng katulong bago sila umalis.
“Sige, salamat.”
Nang makaalis sila, nagpatuloy ako sa pagkain. “Grabe naman si Lucas, kakain na lang, may nakabantay pa.”
Naparami tuloy ang kain ko dahil sa dami ng pagkain. Hindi na rin ako nag-aalala sa pamilya ko dahil alam kong masarap din ang almusal nila. Hinugasan ko ang pinggan ko at dumiretso sa kuwarto namin para ayusin ang mga gamit ko at maglinis. Habang naglilinis ako, may narinig akong kumakatok sa pinto. Tumigil ako at binuksan ang pinto.
“Ma’am, pinabibigay po ni Sir Lucas,” sabi ng katulong, sabay abot ng tatlong malalaking paper bag.
“Para po kanino ito?”
“Sa inyo po.”
“Okay, salamat.”
Nang makaalis ang katulong, binuksan ko ang mga paper bag. Tatlong magagandang puting damit at isang pares ng sandals ang laman. Kasyang-kasya pa ang sandals.
“Paano niya nalaman ang sukat ng paa ko?”
Sinukat ko ang dalawang pares ng sandals na pareho ang kulay ng damit ko. “Ang ganda ng damit.”
“Do you like it?”
“Ay, kalabaw!” sigaw ko sa gulat.
“You’ll be wearing that at our wedding later.”
Tumingala ako at nakita kong may nakakabit palang CCTV sa loob ng kuwarto namin. “Ikaw pala,” sabi ko.
“I hope you liked the clothes I bought for you.”
Tumango ako. “Maganda naman.”
“Good. I asked your mom about your clothes and shoe size, so I’m sure they’ll fit you.”
“Salamat.”
“Okay, see you later.”
Tumango ako. “Pinapanood niya pala ang mga kilos ko,” bulong ko.
Sinukat ko ang dalawang damit at sandals. Nang nakapili na ako, tinawagan ko naman si Nanay.
“Halley, kumusta ka na diyan?” tanong ni Nanay.
“Okay naman ako. Kumusta po kayo diyan?”
“Okay na okay. Kanina ay hinatid ng driver ang kapatid mo sa school. Sinamahan rin kami ni Lucas sa ospital kanina para ipa-general check-up ang Tatay mo. Araw-araw na rin siyang i-te-therapy para mabilis na gumaling.”
Kumunot ang noo ko. “Sinamahan kayo ni Lucas?”
“Oo, hindi ba niya sinabi sa ‘yo?”
“Tanghali na ako nagising, kaya hindi ko alam na pumunta pala siya diyan sa inyo. Kung alam ko lang, sana sumama ako.”
“Okay lang, magkikita naman tayo mamaya dahil susunduin kami dito para umattend ng kasal n’yo.”
“Mabuti naman kung gano’n.”
“Halley, magpakabait ka diyan, mabait si Lucas sa atin.”
Kung alam lang ni Nanay kung gaano kasakit ngayon ang hita ko dahil sa unang pagtatalik namin ni Lucas. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa na ulitin mamaya.
“Mabait naman ako.”
“Isip-bata ka kung minsan.”
“Nay, kailangan din natin mag-ipon para kung sakaling iwan ako ni Lucas ay may naipon tayo.”
“Hindi pa nga kayo kinakasal, iniisip mo na agad na maghihiwalay kayo.”
“Advance lang akong mag-isip. Alam mo naman, kapag mayayaman, walang nagtatagal na relasyon.”
“Paano mo naman nalaman?”
“Mga nababalitaan kong mga artista, gano’n.”
“Hindi naman lahat gano’n. Huwag kang mag-isip ng masama; basta gawin mo nang maayos ang obligasyon mo kay Lucas para hindi ka niya iwan.”
“Opo.”
“Sige na, magluluto ako ng tanghalian namin at baka dumating na ang kapatid mo.”
“Sige,” sabi ko at pinutol ang tawag.
Bumuntong-hininga ako. “Kasal ko na mamaya. Sana mawala na ang sakit ng mga hita ko dahil siguradong hindi papayag si Lucas na walang honeymoon mamayang gabi."