Mabilis na humarang sa aking harapan si Matthew nang nakita ang presensya ni Leonardo. Unti-unti ring pumasok sa silid ang iba niyang tauhan ganoon na rin si Deynize. Ramdam ko ang bahagyang pagtigil niya nang nadatnan si Matthew, para bang kailanman ay hindi niya inaasahan na pupuntahan ako nito. Vovo talaga. "Surprising. Mister Laqueza, our engineer s***h member is a traitor," Leonardo mumbled with a sarcastic amusement. Hindi naman sumagot si Matthew at nanatili lamang ang paningin sa kanya. "So..." Muling pag-imik ni Leonardo saka ako sinilip ng tingin. "Nakapagdesisyon ka na ba?" taas-kilay niyang tanong habang may sinusupil na ngiti sa labi. "Re...lease my...brother," nahihirapan man nang sabihin ko iyon ay pinanatili kong walang emosyon ang aking mukha. Pinagkrus niya ang k