CRAINE MARAMING beses na akong tinanong ni Mommy kung sino talaga ang ama ng aking anak. Ngunit wala akong maisagot sa kanya, lalo pa at paulit-ulit pumapasok sa isipan ko ang article tungkol sa nagmamay ari ng green na mga mata. “Princess, magsabi ka ng totoo, Montemayor ba ang anak mo?” “Mommy, hindi ko nga po kilala ang ama ni Cedric. Dahil lasing ako ng mga panahon na yon.” “Pero paanong naging green ang mga mata ng bata kundi siya Montemayor?” alam ng lahat na tanging sila lang ang meron green na mga mata.., unless, ibang lahi ang ama ng anak mo?” “Ha?” hindi kaya tama si Mommy?” at napaisip ako pero wala naman akong natatandaan na green ang mata ni Mr. Smith. O kahit ang ibang mga foreigner na kasama ko sa trabaho. Ganun din ang mga kilala ko. Impossible din na si Cydi samantala