CRAINE PAGLINGON ko ay nakatayo si Tita Pauline sa ‘di kalayuan at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip. Kaya inakay ko si Cedric at lumapit kami sa kanya. “Hi! Tita Pau, k-kumusta na po?” “Okay naman, mabuti at na pasyal ka?” dama ko ang kalamigan sa kanya. Hindi kagaya noong bagong dating pa lang kami ng Pilipinas. Ngayon ay parang napipilitan lang siya na kausapin ako. “Hello po, Senyora. I’m Cedric Donovan Legaspi.” saka lang siya nagyuko at tumingin sa aking anak. “H-Hi! Kiddo, I’m Dra, Pauline Gonzalgo Montemayor.” nakangiti na si Tita Pau, habang nananatiling nakayuko at kinakausap ang aking anak. “Ang ganda mo po, Dra. Pauline Gonzalgo Montemayor, ahm… mommy ka po ba ni Uncle Jace Montemayor?” “Jace?” “Ahm, si Mr. Jace Vinson Montemayor, siya po