CYDI NAKALAPAG na ang chopper na sinakyan namin ngunit tulog pa rin si Princess. Kaya maingat akong bumaba habang buhat siya. “Kuya Cydi!” narinig kong sigaw ng isang babae. Paglingon ko ay si Princess Pauleen, agad kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. “Bakit naririto ka at parang hindi ka na mahagilap. Noong dumating ako ay hindi man lang tayo nagkita. Anong pinaggagawa mo dito at parang nawiwili ka na yata sa lugar na ito. Samantalang hindi ganitong lugar ang nakakapagpasaya sayo?” sunod sunod kong tanong sa kanya hindi ko siya binigyan ng pagkakataon makapag-isip. “Alin ba ang una kong sasagutin sa dami ng mga katanungan mo, Kuya Cydi?” “Ngayon parang pilosopo ka na rin sumagot? Sinong tao ang nagbibigay sayo ng masamang impluwensya?” kunot noo kong tanong sa kapatid ko pe