CRAINE ARAW ng engagement pero hindi ko magawang kumilos. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag hindi ako sumipot. Lately kakaiba ang pinapakita sa akin ni Jackson. Hindi na siya kagaya ng dati na mahinahon. Ngayon laging galit magsalita at hindi man lang ngumingiti. Nagsimula lang noong hindi ako nakasama sa dinner ng pamilya niya. At galit siya ng isang araw akong hindi makontak. Tapos nalaman pa niya sa buong ospital na hindi ako nag-duty. “Princess, bakit hindi ka pa kumikilos?” naabutan ako ni Kuya Ivann na nakaupo lang at nakasuot ng pambahay. “Kuya Ivann, n-natatakot ako.” nakita kong nag-alala agad siya sa akin at agad na tumabi upuan ko. “Tell me, anong problema at saan ka natatakot?” “Lately iba na ang ugali ni J-Jackson.” “Paanong iba?” “Lagi siyang galit at seryoso