CYDI HABANG nakikinig ako sa kanilang usapan ay iniisip ko kung saan pwede makabili ng mga pagkain na gusto niyang kainin.. “Kaya nga try ko lang kung masarap ba yon.” nakaramdam ako ng awa sa kanya. Kaya tumayo ako at kinuha ang aking cellphone. Tinungo ko ang veranda at tinawagan ang kaibigan ko. “Pards, baka pwede mo akong hanapan ng balot at manggang hilaw?” “SIge, Pards, ano pa ang mga gusto mong ipabili. Marami yan sa public market.” “Mga prutas na hindi ordinaryong natikman ni Princess Craine.” “Okay, ako na ang bahala.” “Salamat, Pards.” saka ako bumalik sa loob. Nakita kong nakapaikit na si Princess Craine habang nakayakap ang anak namin sa kanyang malaking tiyan. Hindi ako nahiga sa tabi nila, pero naupo ako sa carpet sa tabi ni ng pwesto ni Princess Craine. Miss na miss