CYDI HINDI ko namalayan ang paglipas ng mga oras dahil unti-unting nakatulog na rin ako. Nang ako’y magising ay nakahinto na ang eroplano. Kaya agad akong luminga linga sa paligid. Nakita kong nakatingin lang sa akin ang seryosong si Princess Craine. Agad akong tumayo at kinuha ang aming hand carry luggage. “I’m sorry, napasarap ang tulog ko. Halika na at aalalayan kita.” hindi siya sumasagot pero hinayaan niya akong hawakan siya. Palabas na kami ng arrival area ng biglang nagkagulo ang paligid. Wala akong nasa isipan kundi protektahan si Princess Craine at ang aming anak sa kanyang tiyan. “Pards!” narinig ko ang boses ni Lester John kaya lumingon ako. At nasa katabi na agad siya namin. “Take her to the safe place. May mga armadong nag-hostage ng civilian.” “Mag-ingat ka, Pards.” i