CRAINE GULAT na gulat ako sa biglang pagdating ni Cydi. Lalo na ng malakas niyang sinuntok si Rexon. “Ilang beses ko ng sinabi sayo na huwag dumistansya ka kay Princess Craine, pero nananadya ka eh. Talagang hinahawakan mo pa siya!” galit na galit na sigaw ni Cydi at kahit gusto ko siyang singhalan ay hindi ko magawa. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagguhit ng sakit. “Wala akong ginagawang masama kay Princess Craine Crissa, marumi lang talaga ang utak mo at masyadong seloso!” “Anong wala eh hinahawakan mo soya sa bewang! Kung wala kang masamang intensyon bakit hindi mo sa braso siya alalayan kung kailangan niya?” “Bakit hindi sa sarili mo sabihin ang bagay na yon ha? Samantalang gawain mong manulot ng girlfriend ng iba!” napak kunot noo ako sa sinabi ni Rexon. “Wala akong sinulot k