CYDI SA narinig na sinabi ko lalo pa yatang nag-init ang kanyang ulo. “Ah! Ganun?” at malakas niya akong sinipa, pero tiniis ko at nanatili akong nakatayo. Maya maya ay sinuntok niya ako sa mukha. Hindi ko pa rin iniinda. Hanggang magkasunod sunod na ang pananakit niya sa katawan ko. At hindi ko pa rin siya pinigilan, ngunit siya mismo ang huminto. Tumalikod siya at humakbang palayo. Mabilis ko siyang hinabol bago pa makalabas ng pinto. Mahigpit ko siyang niyakap sa kanyang likuran. Hindi ako nagsasalita at nananatiling nakayakap lang. Ngunit ng marinig at madama ko ang impit na iyak niya ay ipinihit ko siya paharap sa akin. “Baby, please kahit hanggang sa panganganak mo lang. Hayaan mo akong naririto dahil nais kitang pagsilbihan. Doon man lang ay matulungan kita sa dinaranas mong