CRAINE KAHIT anong galit ko kay Cydi hindi ko siya magawang tanggihan. Samantalang kung nais kong tutulan ay magagawa ko. Pero kapag nahawakan na niya ako ay naging sunod sunuran ako sa kanyang bawat naisin. “Anong nangyari, surrender na ba ang bataan?” “Mamaya tayo mag-usap at gusto kong matulog.” “Yeah, nakikita sa mukha mo ang matinding pagod. Nakailang katok nga ako sa pinto ng opisina mo ay hindi mo naririnig. Dahil puro ungol mo ang nanaig sa buong silid na yon, huh!” sa narinig ay huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. “Anong sabi mo?” “Naririnig ang sa labas ng pinto ang malakas mong ungol! Nakalimutan mong hindi naman sounds proof ang opisina?” “Oh! sh*t!” may iba pa bang nakarinig?” “Ewan ko dahil hindi naman ako nagtagal sa pintuan at umalis din agad. Hindi ko la