CYDI ANG planong pabalik ng bansang Pilipinas ay hindi natuloy. Ngayon ay narito kami ng aking mga kasama sa Karate Martial art Kickboxing building. At kahit hindi ako welcome dito ay kailangan pansamantalang mag-stay. “Pards, pwede ba kaming makisali sa mga trainee?” “Hindi kita masasagot, Pards. Alam mo naman siguro na hindi kami okay ng may ari nito.” “I know, pero bakit hindi ka ba gagawa ng paraan upang maging okay kayong dalawa? Nakalimutan mo yata na may pangako ka kay Cedric?” “Hindi ko yon nakakalimutan, at yon ang isa sa problema ko. Ayaw kong bumalik ng mansyon para lang madismaya ang anak ko.” “Kung ganun gumawa ka ng paraan. Yon naman talaga ang unang plano mo ‘di ba?” “Yeah.” sabay talikud ko kanya bago nag lakad patungo sa mga trainee na nagsasanay. Tumayo ako sa ‘di