CRAIG HINDI ko mapigilan na mag-alala kay Evannah, dahil sa sitwasyon namin ngayon dito sa gitna ng laragatan. Hindi magtatagal at malapit na kaming maubusan ng fuel. Siguradong stranded na naman kami sapagkat ang naroon sa container na fuel ay aking ginamit sa ginawa kong eksena. Kaya ngayon ay hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kanya na hindi ito magagalit. “Craig, kinakausap kita pero hindi ka sumasagot may problema ba?” “Ha? Oh! I’m sorry sweetheart, anong sinasabi mo maaari mo bang ulitin?” “Ang tanong ko sayo bakit tayo huminto?” saka lang ako bumalik sa realidad at naalala ang tunay naming sitwasyon. “I’m sorry sweetheart, ang totoo ay naubusan tayo ng fuel.” “What? Ang ibig kong sabihin paanong nangyari yon. Hindi ba at meron naman reserve na fuel ang yacht bago mag layag?”