EVANNAH ILANG araw na kaming palutang lutang sa gitna ng karagatan. At isang umaga ay ginising ako ni Craig, meron daw rescue na dumating kaya agad akong nag-ayos ng aking sarili. Pagkatapos ay nagmamadali na umakyat sa deck. Pagdating ko sa taas ay napahinto ako sa paglapit sa rescue team. Dahan dahan akong umatras ng hindi sinasadyang na sulyapan ko ang tattoo ng dalawa sa armadong lalaki. Hindi ako maaaring magkamali CIA ang mga ito. Gusto kong napamura habang pabalik ako sa aking cabin. Ngayon ay unti-unting lumilinaw ang lahat sa akin. Kaya pala ang mahabang buhok ni Craig ay laging nakalugay upang maitago ang tattoo nito sa punong taenga. Mabilis umikot ang aking mga mata sa paligid. Kailangan makalabas ng yacht at makaalis sa lugar na yon or else baka dito na ako tuluyang mamama